" In the most unexpected situation, I saw him smile"
-lovely's diary-
Wala na akong nagawa kung hindi sundan siya.
Huminto siya at hinarap ako. Bakas sa kanya ang matinding galit, it sent me chills.
"Why are you here? ", tanong niya habang di inaalis ang tingin sa'kin
"Diba obvious? Edi para uminom", pilosopong kong sagot
Nagulat nalang ako nang bigla siyang magtaas ng kilay at mariin ako tiningnan.
"Uminom o makipaglandian!? "
Napapikit ako sa inis at napabuntong hininga.
"Well, wala ka ng pakialam kung uminom man ako o gusto kong makipaglandian! "
"Besides, hindi lang ikaw ang may karapatan noh! ", irita kong sagot at tinalikuran siya.
Binilisan ko pa ang aking paglakad para sana bumalik sa loob at hanapin yung dalawang babaita, nang biglang hawakan niya ang palapulsuhan ko.
Hinatak niya ako papalapit sa kanya habang ginagawi ako papunta sa pader. Isinandal niya ako rito at tinititigan maiigi. Ramdam ko ang malalim niya paghinga na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Mahigpit niya akong niyakap at bumulong.
"Wait, hindi kita marinig"
"Ano ba yun? ", tanong ko sa kanyaNakailang tawag ako sa kanya at hindi pa rin siya sumasagot.
Ba't naman niya ko tinulugan?
Bigat niya, di ko keri mga bes
Isinandal ko pa siya sa pader at pinaupo roon.
Lasing ba talaga siya, bakit parang ang kalmado niya naman. I mean parang hindi siya lasing kung umakto habang sinusuntok niya yung lalaking nambastos sakin.
"Uy, iiwan muna kita dito huh?"
"Tatawagin ko muna si Phil",dagdag ko pa
Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang kamay ko.
"Dito muna tayo, kahit ilang minuto lang", mahina niyang tugon
"Astig mo rin noh, nagawa mo pang manuntok sa lagay mong yan", natatawa ko pang usal.
Hindi na siya sumagot at naupo na ako sa tabi niya. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang nakapikit. We stay like that for minutes. We stay like we were still lovers.
Almost 30 minutes din kaming sa posisyon na yun, habang tahimik lang na nakikinig sa tunog ng paligid.
Tinapik ko siya at agad na tumayo.
"Tara na!", aya ko pa sa kanya
Tahimik lang siyang tumayo at nagnod. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang lumakad papasok ulit sa bar. Agad akong dumiretso sa pwesto namin kanina nila audrey, para datna lang na nakaalis na pala ang mga gaga. Buti nalang at tinanong ko na sa may waitress baka kasi paghanapin pa nila ako.
Akala ba nila aalis ako kasama yung kumag na yun?
At dinala pa ang bag ko, nandun pa naman pera at cellphone ko!, inis kong tugon sa sarili
So, sisimulan ko na bang maglakad papunta sa condo?, napasinghal nalang ako
Wala na akong tama dahil naiistress ako kung paano ba ako makakauwi. Well, pwede naman akong makisabay kina Ludus kaso nakakahiya naman, as if namang gagawin ko yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/225166222-288-k459645.jpg)
YOU ARE READING
Mischievous Love
RomanceWanna meet different kind of love? Well if yes, you should keep your distanced to Monica Villaruel, she is so tempted and obsessed. Don't start a game to a playful Ludus Simon Argon, he will just toy you and break your heart. Pragma Perez, she's...