"Secrets are no longer secrets after years of hiding"
-Lovely's diary-
Pagpasok ko ng condo ay agad namang bumungad ang pinsan kong abot langit ang ngiti.
"Aber Pragma, 'wag mo namang akong gulatin ng ganyan!, inis kong usal
"Parang di ka na nasanay sa'kin", tugon niya naman habang nakangisi pa rin
"Ano na naman, ba't ganyan ka naman makangiti?", inis kong tanong habang nagtatangal ako ng sapatos
"So, kayo na ulit ni Ludus?", tanong niya habang mariin ako tinititigan
"Huh?"
"Anong pinagsasabi mo na naman!?", pagtataka ko
"Lovely, huwag mo nang itanggi", komento niya na lalong nagpakunot sa noo ko
May paghawak pa sa dibdib at pagpikit ang babaita.
"Nakita ko kayo sa bar noh, tapos nagkagulo pa dahil sayo!", makahulugan niyang sagot
Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa pinsan ko, kasi kahit anong paliwanag ko naman hindi niya rin ako papaniwalaan.
"Alam mo kasi—"
"Aber sandali nga, ba't ka naman pala nagpunta sa bar. Ang pagkakaalala ko sa sinabi mo nEvEr KaNg pApAsoK D'oN?", pagbabaliktad ko sa sitwasyon
"Ehh kasi... Ano...", utal utal niyang sagot habang bakas ang pagkainis sa mukha niya.
She likes Audrey, full of secret and suprises.
"Huwag na nga nating pag-usapan 'to", sagot niya habang bakas pa rin sa mukha niya ang pagkatalo.
"Tsk, 'di ka kasi sanay na natatalo", nakangiti kong komento.
"Oo na lang.", sarkastiko niyang sagot
"Anyway, Sasama ka ba next saturday para manood ng movie?", tanong ko habang dirediretsong binagsak ang katawan sa sofa
"Nah, may lakad ako", habang may kinakalikot sa phone niya
"Date ba yan?", kompronta ko sa kanya habang abot lang ang saya
Sa wakas marunong nang lumandi ang pinsan ko. Taas kasi ng standard nito, sabagay wholesome at complete package 'to.
Lahat naman ata ng babae mataas ang standard at pakipot, syempre sino ba gusto na masaktan.
Sino nga ba?
"Uy lovely Plumeria Gonzales, ba't ka ba natutulala d'yan?", takang tanong niya habang tinatapik ang center table
"Ahhh ehhh... Masaya lang ako at naisipan mo nang makipagdate eh", napakamot nalang ako sa ulo habang nakangiti sa kanya
"Wala naman ako sinabing date yun ahh, gagawa lang kami ng group project", sagot niya habang na hihiya
"Group project daw, tapos kayong dalawa lang ni storge magkikita", mapang-asar kong tono
"Hindi kasi makakapunta si Erica dahil nasa hospital ang mommy niya, kaya huwag mo ngang lagyan ng meaning yun!", pagpapaliwanag niya pa
"Okay fine, 'di kita pipilitin kung ayaw mong aminin na may gusto ka talaga kay Storge", usal ko habang nakacross arms pa
"Bahala ka—"
YOU ARE READING
Mischievous Love
RomanceWanna meet different kind of love? Well if yes, you should keep your distanced to Monica Villaruel, she is so tempted and obsessed. Don't start a game to a playful Ludus Simon Argon, he will just toy you and break your heart. Pragma Perez, she's...