Chapter IV

4 2 0
                                    

"One of the things I will surely miss is the time I spend with my bestfriends"

-Lovely's diary-

Ginising ako ni Pragma para sabihing kanina pa daw nandito sila Audrey. Hindi na muna daw nila ako inabala at ang sarap daw ng tulog ko, naglalaway pa. As if namang paniniwalaan ko yun kasi never in my life na naglaway ako sa pagtulog.

Never...

Naghilamos muna ako at nagtoothbrush bago ko sila puntahan sa living room.

"Goodmorning mga beshiwaps", bati ko sa kanila habang sabay sabay silang umirap

"Nagpractice pa kayo ahhh, sabay sabay pa kayo kung irapan ako!", natatawa kong usal

"Anong nakakatawa prinsesa?", tugon ni Audrey habang nakataas pa rin ang kilay

"Goodmorning?, mag-aalas dose na kaya!", sarkastikong sabi naman ni Monica

"Tsk. Tsk.", ungot naman ni Pragma

"Parang ang sama ng gising niyo tatlo", nakangiti kong komento

"MALAMANG SA ALAMANG, PINAPUNTA MO KAMI NG MAAGA DITO PARA PANOORIN KA LANG MATULOG!", pagtataray ni Monica

"Edi sana ginising niyo ako noh", depensa ko sa sarili

"Nakakahiya namang gisingin ang prinsesa habang pinapanaginipan niya pa ang prince charming niya noh!", sabat naman ni Audrey

"Okay,Chill guys.", komento ko habang pinipigilang humalakhak

"Spill the tea na ba!?", tanong ko sa kanila

Nagliwanag ang mata ni Monica, halatang excited sa ikukwento ko. Excited kasi si Phil ang topic.

"Anong spill the tea?", takang tanong ni Audrey
"Yung kasabay mong umuwi si L—"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Audrey baka kasi sa kadaldalan niya ay asarin at kulitin pa 'ko ng pinsan ko.

"Ba't mo ba tinatakpan bibig ni Audrey?", mariin akong tinitigan ni Pragma

"Ako kasi dapat ang magkwento!", pagkukumbinsi ko kay Pragma

Tinanggal ko na ang palad ko sa pagkakadaupa nito sa bibig ni Audrey at binigyan siya ng matalim ng tingin. Buti nalang at naintindihan niya naman ako.

"So, topic natin ay about kay Angie and Phil", panimula ko

Nakita kong naningkit at tumalim ang tingin sa'kin ni Monica. Kung paano talaga magliwanag ang mga mata ni Monica kapag binabanggit ko si Phil ay kabaliktaran naman sa pagbanggit ko kay Angie.

"Ano meron sa dalawa? ", takang tanong ni Pragma

"Sila na ba?", usal ni Audrey na nagpatahimik at nagpabigat ng energy sa paligid namin

Pinaningkitan namin ni Pragma si Audrey at sabay na nilingon si Monica.

"Walang sila syempre", pagbawi ko sa sinabi ni Audrey habang pilit na tumawa

Bakas pa rin sa mukha ni Monica ang matinding inis at selos, hindi ko na nga mapinta ang mukha niya.

"So, ano bang kwento mo?", inip na tanong ni Audrey

"Eto na nga, confirm na may gusto talaga si Angie kay Phil", diretso kong tugon

"Yan na yung kwento mo?", inis na tanong ni Monica

Mischievous LoveWhere stories live. Discover now