Chapter V

6 2 0
                                    

"Today, I've learned so many things; I even learned to enjoy the traffic"

-Lovely's pov-

Napangiti na lamang kami nang magsimulang kumanta si Ludus ng "Sorry" ni Justin Bieber.

Para sa'kin ba yun?

Ang corny niya huh!

Kinantsawan tuloy ako ng mga babaita. Ako naman itong nakayuko nalang dahil sa hiya at 'di matagong saya.

"Patawarin mo na kasi!", bulong sa'kin ni Pragma habang malapad ang ngiti

"Bigyan mo na kasi ng isa pang chance Lovely, mukhang seryoso naman eh", pagkumbinis sa'kin ni Audrey habang ang tingin ay nasa daan pa rin

"Hoy Ludus!", pagtawag ni Monica sa kabilang sasakyan habang nakaiwas pa rin ng tingin kay Phil

Ang kapal talaga ng mukha ng babaita kahit kailan.

Pinigilan ko pa si Monica pero huli na ang lahat.

"Para kay Lovely ba 'yan?", malapad niyang ngiti

Habang ako naman 'tong tangang nakayuko hinihintay ang sagot ni Ludus.

Ba't hindi pa siya sumasagot?

Ba't ba ang tagal naman?

Inangat ko na yung tingin ko at mariin tiningnan si Ludus, hinihintay pa rin ang sagot niya.

Nag-assume na naman ba ako?

Bakit ba ako kinakabahan?

Tahimik lang kami apat habang hinihintay ang sagot niya. Nakita ko pang napailing si Augustus at napakagat pa sa labi si Jonathan habang kalamadong nakatingin sa daan si Phil.

Lovely kalma!

'Wag na wag kang iiyak!

Nakahinga naman ak-KAMI ng maluwag nang magnod si Ludus. Gusto ko siyang sabunutan dahil binitin pa kami.

"Shutangers ka talaga Ludus!", mabilis na usal ni Monica

"Pinakaba mo kami, muntik mo pa tuloy mapaiyak si Lovely!", walang prenong komento ni Audrey.

'di manlang finilter, halata tuloy na may gusto pa rin ako sa kumag na yun.

"Kaya nga, grabe ka pre!", dagdag ni Jonathan na nagpaiwas ng tingin ni Audrey

"Kinabahan din ako para sa'yo", pabulong na wika ni Pragma habang hawak pa rin ang dibdib

"So... Sa'n ba kayo?", makahulugang tanong ni Jonathan sa'min.

Nakita ko kung paano humigpit ang pagkakahawak ng hawak ni Audrey sa manobela.

Is there's something going on with them?

Ba't naman hindi naikukwento ni Audrey sa'min?

"Magmomall lang kami hehehe", sagot ni Monica habang bakas ang saya sa mukha.

"D'on rin kami papunta", komento naman ni Ludus habang pinandidilatan sila Augustus ng mata

Sama kami sa inyo, dagdag pa ni Jonathan na nagpakunot ng noo ni phil at napasinghal ni Augustus

Mariin kong inobserbahan si Audrey at ramdam ko ang matinding pagkayamot nito.

She needs my help!

"Sorry boys pero girls time muna", usal ko na napataas ng kilay ni Monica

"Yeah girls time muna", dagdag ni Pragma habang nakapeace sign

Akala ko ako lang ang nakakapansin na parang may mali kay Audrey. Iba talaga 'to si Pragma, ginugulat nalang kami.

Lumuwag ang pagkakahawak ni Audrey sa manebela at pasimpleng nagthank you sa'min ni Pragma, habang ito namang si monica nagmumukmok.

Diba niya napansing may mali kay Audrey?

Monica is quite selfish.

She was.

"Hmmmm... Next time?", nag-aalangan tanong ni Ludus na nagpaliwanag ng mga mata ni Jonathan.

"Ahhhhmm. Yeah, sure!", mabilis na sago ni mOnica habang sinesenyasan kaming 'wag kumontra.

Napailing nalang kami nila Pragma.

Believe rin ako sa confidence ng babaitang 'to!

Nagulat nalang kami nang tumaas ang mga bintana ng sasakyan.

Katakot naman 'tong si Audrey, walang pasabi.

'di na kami nagtanong kasi obvious namang isinara ni Audrey ang bintana ng sasakyan kasi alam niyang may sasabihin sa kanya si Jonathan. Ibubuka pa nga lang ni Jonathan ang bibig niya, napatahimik na kaagad siya ni Audrey. Wala namang nagawa si Monica.

Rule no. 5
Understand your friend's action.

"Okay guys, huwag nalang nating pansinin yung mga nasa kabilang sasakyan tsaka girls time muna diba!",  wika ni Pragma na nagpagaan naman ng enerhiya sa paligid namin.

We shouldn't let boys ruin our friendship.

"Yeah, agree ako sayo d'yan momshie!", komento ko naman

"Ano pa nga ba!?", dagdag ni Monica habang natatawa pa

Binibiro ba kami nito?

Lukaret ka ba monica!?

Bigla nalang ako nagulat ng taasan ako ng kilay ni Monica.

Tigil tigilan mo nga ako d'yan lovely, iniisip mo na naman na baliw ako huh!, usal ni Monica habang mariin akong tinititigan

Grrrrr...nababasa niya ba iniisip ko?

Masyado ka kasing halata, bulong ni Pragma sa'kin.

Mabilis daw talagang basahin kung anong iniisip ko, kaya nga di ko kayang magtago ng sikreto sa mga kaibigan kong ito. Mala-madam awring ang peg nila.










Mischievous LoveWhere stories live. Discover now