Habang pauwi kasama si Itay, nakaramdam ako ng pagod sa training ko sa LCBA.
Parang bagong pasok lang ako ulit, hays. Medyo matagal na rin nung last na laro ko.
Ako si Clara Perez, ang cute na bespren at anak ng Kuya Recardo ng LCBA, hehehe!
Nung senior high kasi, varsity ako sa LCBA.
Malaking tulong sa 'kin dati sa pagaaral ko yun.
Di lang ako nakakapaglibang, nakakadayo pa kami sa malalayo at magagandang lugar. Nakakarami na din ng panalo, kaso nga lang, biglang tinanggal ang scholarship.
Kinapos naman kami nina Itay, kaya ako na ang nagkusang lumipat.
Nalungkot ako noon dahil doon lang ako nakakatulong sa pamilya ko, pang- bawas ng gastos, tapos tinanggal naman nila.
Kaya lumipat ako sa CCC, maganda naman, may fountain sa loob (Charot! HAHAHAHAHA) at makaka tipid din.
Wala kasing babayaran na tuition dito. Buti na lang at hindi ako irregular.
Ayoko na kasing maging pabigat kina Itay , kaya gumawa ako ng paraan kung paano mapapagaan ang sitwasyon.
May tatlo akong dahilan kung bakit ako lumipat ng school:
Una, nawalan ng scholarship ang mga varsity.
Pangalawa, hirap sina papa sa gastusin kasi sobrang daming gastos. Lalo na nung mga art app saka mga may research na subject ganyan. Ang mahal kaya ng canvas, at ang mahal magpaprint!
Pangatlo, dahil ayaw ko nung tickler na papapirmahan mo sa mga officer na wala naman ginagawa (at yung iba, hindi ko naman nakikita!), at gagawin ka pang parang uto-uto!
Utos dito, utos doon... sasauluhin mo lahat ng pangalan nila at pagkakasyahin mo ang sarili mo sa isang papel? WTF, di ba?
Para lang naman yun may mapagtripan sila. E nung pagpunta ko dito sa CCC, wala naman tickler tickler pero halos lahat naman maayos pakitunguhan.
Sabi nila 'para magkakaclose'? Eh parang uto-uto na kami sa lagay nun!
Habang pauwi na kami, kinakain ko pa rin ang sundae na binili sa 'kin ni Itay.
Bakas sa mukha niya ang hirap ng buhay at ang nakalipas na panahon.
Sa bawat kulubot sa kanyang balat, at sa mga kalyo sa kanyang mga kamay batid ko iyon, pero hindi ko siya ni minsang narinig magreklamo.
Hindi niya nagging ugali na manumbat at magtanim ng loob. Puro kasipagan, kabaitan at pagiging matiyaga lang ang lagi niyang pahiwatig.
Grabe si Itay, siya talaga ang Superman ko.
Mas lalo kong nararamdaman ang alaga niya kapag hinahawakan niya ang kamay ko, kahit sa pagtawid. Kahit magbebente na ako, ako pa din talaga ang bunso niya.
Habang papunta kami sa butika, nakita ko si TJ sa may plaza, may kasama babae...
Alam ko naman na may gusto si TJ kay Joy.
Si Joy lang naman ang hindi nakakahalata e, hahahaha!
Sinigawan ko siya. "Uy, TJ!"
Sinigawan ko ulit "Huy TJ! Sino yan, bebe mo? Akala ko ba si Joy!"
Nilingon ako ng babaeng kasama niya at sinamaan niya ako ng tingin. Wow, sungit.
Ganda ka, teh?
~
Sa bahay, habang ako ay nagiiscroll sa FB, nililibang ang sarili bago matulog, biglang nagchat si coach.
"May laro kami bukas sa brgy. 3, kulang player ko. Baka gusto mong makilaro muna samin, Clara."
BINABASA MO ANG
Huling Pag-asa (Last Hope)
General FictionHuling pag-asa: simpleng parirala, ngunit maraming kahulugan. --- Pwede sa pamilya, pangarap, kinabukasan, sa mga gustong maabot na pangarap, o sa kung paano sasabihin sa isang tao kung gaano siya kahalaga sayo... Hatid ko sa inyo ang kwento ko na...