9. OO. (YES.)

9 1 0
                                    

Ngayo'y may hawak na mga bulaklak, tinignan ko ng seryoso si Joy. "Gusto kita...matagal na."

Namula ang pisngi ni Joy, at napahinga ako ng malalim. Ang ganda niya talaga. "Ka...kailan pa, TJ?"

Ngumiti ako at ibinigay ang bouquet na binili ko pa sa SM.

Nagpasalamat siya sa 'kin ng pabulong.

Nasa magandang kainan kami ngayon. Ang lambing ng mga tugog, pero walang makakatalo sa ganda ni Joy ngayon.

"Simula pa nung una kitang nakita..."

Lumapit si Joy at hinalikan niya ako sa labi.

Pucha, nakakapanghina.

Kahit sa halik, malambing pa rin siya...

Nagyelo ako pagkatapos niya kong hinalikan. Uminom na siya ng wine at tumawa ng mahina. "Ano...?"

"O...oo na ba..."

"Oo. Payag na ako, tayo na...!"

Nagpalakpakan ang mga nasa paligid namin. Nakikinig din pala sila sa pagtatapat namin sa isa't isa.

Hinawakan ko ang pisngi ni Joy. Hahalikan ko sana siya ng...

"TJ! TJ! Anak ng p*ta naman, TJ!"

"Gising na TJ! Tanghali na, TJ!"

Nagtalukbong ako ng kumot. Anubayan.

Badtrip naman 'tong si Mama eh. Nananaginip yung tao tapos manggigising.

"Gusto mo pa bang hilahin ko yang bayag mo pababa?"

"Bilis na, at aayusin pa natin yung pwesto natin sa bayan!"

Tumayo na ako sa kama ko. "Eto na po, Ma!"

Hi, kamusta kayong lahat?

Ako si TJ Monteverde... joke, sana nga.

TJ Legaspi nga pala, wag niyo na tanungin kung ano ang ibig sabihin ng TJ, mababantot yon. Basta TJ, hahahaha!

Isa kong pasaway na estudyante ng LCBA.

Normal kumbaga.

Nabagsak, napasa, nalalate, hindi napasok...typical student na makikita mo sa school.

Iniabot ni mama ang sinangag sa kin. Yon, the best. Tapos hawot (tuyo) ang katerno saka suka, yon! Solid!

"Lalaki, ano na plano mo? Bagsak ka ngayong sem sa physics at chemistry, nako...ikaw talaga mauupakan ko pag may naiwan ka pa ulit na dalawang subject!" Tinuktukan ako ni Mama sa ulo sa inis.

Mama, huhu, anak mo ba talaga ako?

"Aray ko ma, masakit!"

Kinuha ko yung lalagyan ng sinangag at nagsandok ulit. "Ganun talaga ang bida, nagpapabagsak sa una! Hahahahahahahaha!"

Biglang nagsupersaiyan si mama at binitbit ang sandok. "Halika dito at hahambalusin kita TJ, makikita mo!"

Agad akong tumakbo, "Ma, joke lang! HAHAHAHAHAHAHA"

~

Kamusta na kaya si Joy?

Tinignan ko yung date. Magbibirthday na siya bukas. Yung huling kong chat sa kanya ay..."Happy birthday joy"

...Last year pa yon, bakit kasi nawalan ng cellphone yung babae na 'yon...

"Uy Mikay!"

Nagulat ako nung bigla siyang nagwalkout.

Huling Pag-asa (Last Hope)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon