~
Nagaayos ako ng gamit ngayon sa locker room ng topserver sa LCBA.
Binuksan ni Tonyo ang locker niya at agad isinara. "Kuya Recardo may event nga pala ngayon, no? Aayusin ang chapel at ang court dahil sa awarding ceremony ng senior high. Ikakabit na naman natin yung tent na malaki, hahaha!"
Tumango ako.
" Oo nga no, ngayon ga 'yon?"
Isinara ko na ang locker ko. "Ay siya...magumpisa na tayo maglinis at maguumpisa na klase!"
Nagunat ako ng konti. "Yung mga basurahan, tanggalan na ng laman. Baka pag nagcheck si Sir Canton (ken-ton), mapagalitan pa tayo, at sa paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok."
"Napagalitan tayo doon, kasi naman...sino yung nag-ayos nun noong isang araw?"
"Hindi ako 'yon, kuya Recardo! Baka si Patrick 'yon, kuya!"
Napabuntonghinga na lang ako. " Sige, ako na bahala doon ngayon. Basta linisin na ninyo yung mga CR ngayon, at barado ang nasa taas, sa panglalaki." Tumuro ako sa kanan ko. "Patrick, doon ka naman sa kabilang building."
"Oo nga, Kuya Recardo." Sumingit naman si Lando sa paguusap naming. Topserver din siya, pero madalas sa mga pagkukumpuni siya nakakatulong.
"Walanjo naman kasi kuya, 'yang mga estudyante nayan ang mga tae ang lalake lalo na ang cr ng mga lalake
"Oh sige, maglilinis ka at sa taas. May klase doon mamaya, 8:00 "
Sa tagal ko na dito sa LI naglilinis, nadaanan ko na lahat ng trabaho.
Naglilinis minsan sa cr, sa room, sa hallway, sa court lalo na pag naulanan, para mabilis matuyo.
Pati maintenance na rin sa mga sirang upuan, lalo na ang mga may sulat, tuwing mag tatapos na ang pasukan
~
Nung nagwawalis ako sa may hallway, nakita ko si Sir Salazar na nagbubukas ng pinto, e madami siyang bitbit kaya di magkandaugaga.
Lumapit ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Sir Salazar! Ang aga niyo ngayon!"
"Opo, hehe. Hinatid ko kasi yung anak ko kaya medyo napaaga." Sumimangot siya nung nilibot niya ang tingin sa silid-aralan. "Grabe, ang baros talaga ng mga bata. Tignan ninyo, kuya! May mga sirang upuan, at ang kalat pati!"
" Naku po, hindi 'to nadaanan nina Patrick kagabi."
Oo nga, eto yung room na 'yon.
Kagabi, may narinig kami lagabog dito Lang Kasi sa kabila nag tuturo non na sira nya ata Yung upuan
"May isang sirang upuan na naman mabigat siguro ang umupo rito sirang sira ang upuan"
Pag may mga sirang upuan, aircon, o lamesa, kami rin ang nagawa. Pwede din kaming umasikaso ng mga pa-job order: pagrerepaint ng opisina o gumawa ng bagong mga mesa at upuan, o di kaya'y aayusin ang opisina para sa bagong mukha nito.
Isa pa, kami din ang nagrepaint ng mga hallway sa canteen at classroom, saka naglilinis ng aircon at nagpapanatili na malinis at maganda ang well.
Nahirapan ang lahat nung pumutok ang bulkan sa lake at nagbuga ng abo.
Kahit sabihin mo marami kami, sa dami ng parte ng school, lalo na sa may bubungan, mahirap yun linisin.
.
Pero ayos lang, konting sakripisyo para sa kalusugan ng lahat, maging ng samin.
~
Habang papunta ako sa karendirya malapit sa school, nakita ko sina Joy at TJ na nagaaway.
BINABASA MO ANG
Huling Pag-asa (Last Hope)
General FictionHuling pag-asa: simpleng parirala, ngunit maraming kahulugan. --- Pwede sa pamilya, pangarap, kinabukasan, sa mga gustong maabot na pangarap, o sa kung paano sasabihin sa isang tao kung gaano siya kahalaga sayo... Hatid ko sa inyo ang kwento ko na...