~
Tayo ay mga sundalo, pagod at naghihikahos, sa isang digmaang bulag.
~
Nagtatype ako ng pang-lesson plan para maglibang.
Konting unat, higop ng kape, type ulit.
Pangalawang taon ko ng graduate, pero hindi pa rin ako makapagturo sa public.
Wala akong time sa pagrereview, at nalaki na ang pamilya ko.
Tumunog ang cellphone ko, at ako'y napangiti. Ang cute ni bunso.
Nagreact ako ng heart sa sinend ng misis ko na picture sa Messenger.
Sa kasalukuyan, may dalawa na akong anak. Habang ako nagtuturo at si misis ay housewife, kakarampot ang sahod ko buwan-buwan para tustusan ang pamilya ko.
Buti na lang at natulong ang magulang ng asawa ko sa pangtustos sa gastusin, pero alam kong pansamantala lang ito. Nahihiya rin naman ako sa kanila.
Kailangan mo ring tanggapin na ayaw nila sayo.
Normal naman ata sa manugang 'yon, makarinig ng masamang salita galing sa mga biyenan mo... este, wala daw pera sa pagtuturo at hindi pa ako pasa sa LPT exam para makapagturo sa public.
Kaya sa taon na 'to, susubukan kong kumuha, kasabay ang mga bagong graduate.
Tumunog na naman ang cellphone ko. Magpapabili raw ng isang pack ng gatas si Misis. Napailing na lang ako.
Gaya ni Lester na graduate na... ilang buwan na lang... malaki ang pasasalamat ko at napahiram nya ako ng reviewer na galing sa mga namayapa niyang mga magulang.
Kaso...
Lumabas na 'ko ng faculty at nagsimulang maglakad papunta sa room ko.
...napamahal na ako dito sa school na 'to... mga estudyante, mga prof, yung lugar mismo.
Parang ayaw ko ng umalis at mag-public pa pero...
Napansin kong may mga junior high school students na nagkakagulo. Nako. Wala na naman ata akong room.
...paano ako uunlad kung hindi ako susubok ng bago sa buhay ko?
Iniisip ko, para 'to sa pamilya ko...
Sumalubong sa 'kin si Kuya Recardo, isa sa mga mababait na tao na nakilala ko. Topserver na siya dito simula pa noong estudyante ako.
"...ser! Magandang hapon!"
Nginitian ko siya. "Kuya Recardo, saan po ba room ko ngayon?"
Tinignan niya ang mahaba niyang listahan ng room re-assignments."Room 426 sir. Nandoon na mga estudyante mo, naglalabasan din ho yung iba."
Agad akong tumango. "Sige, Kuya Recardo. Salamat!"
Napakamot ako ng ulo ng nakita ko ang mga estudyante 'kong nagpapanic sa paghahanda sa mga report nila.
Tayo ay mga sundalo, na noo'y mga kadete lamang. Tinuruang lumaban, ipagtanggol ang sarili, ang paninindigan at ang ating Inang Bayan!
"Ehem..."
Tumahimik ang paligid at ang lahat ay nagtinginan sa akin.
"...sorry, late ako." Paumanhin ko at ibinababa ko ang mga gamit ko sa teacher's table.
"Okay lang po, Sir Salazar." Nakangiting sagot sa akin ni Mabini, isa sa mga pinakamagaling kong estudyante. Tumango nalang ako sa kaniya.
"Okay na ba ang mga report ninyo?" Nag-thumbs up ang isang leader maliban sa nasa dulo, na nagpapanic pa rin.
BINABASA MO ANG
Huling Pag-asa (Last Hope)
Ficción GeneralHuling pag-asa: simpleng parirala, ngunit maraming kahulugan. --- Pwede sa pamilya, pangarap, kinabukasan, sa mga gustong maabot na pangarap, o sa kung paano sasabihin sa isang tao kung gaano siya kahalaga sayo... Hatid ko sa inyo ang kwento ko na...