Tusok tusok sa mga bag ng estudyante, papasok sa umaga...
Eto ang normal na gawain ng guard sa school.
Minsan, kinaiinisan ito, lalo na at nahaba lang ang pila papasok.
Sadyang nahuhusgahan na agad kami sa trabaho naming magpuna ng magpuna sa bawat papasok ng school. Pero, sa katotohanan, para din 'to sa kapakanan nila.
Nasa kalagitnaan ako ng pagchecheck ng bag ng isang estudyante sa Junior High ng dumaan si Lester. Agad ko itong sinita.
"Uy, Lester, bakit ka naka-insti ngayon? Bukas pa ang college ah!"
"Ay oo nga pala, Ate Susan...."
"Tsk tsk tsk..."
"Sorry...pwede ba makapasok?"
Agad akong umalma. "Nako, Lester, bawal! Pag nakita ka sa OSA, kami ang malilintikan. Tapos wala ka pang ID...?"
Nako, Lester... kailan ka ba magbabago?
Eto na nga sinasabi ko... katulad ni Lester, na alam ang patarakan ng school pero nasuway pa rin!
Alam na nilang hindi makakpasok ng nakaganon, papasok pa rin.
Pero sa akin lang, mahirap rin na ang bilis magbaba ng memo ng mga nasa itaas. Yun nga lang, wala rin kaming magagawa dahil sumusunod lang kami.
Sana ito'y naiintindihan din, lalo na ng mga estudyante.
Hindi lang nila maintindihan na pag sila ay nakikita sa loob, kami ang mapapagalitan dahil doon sa ginawa nila kaya isang sakit sa ulo yang mga bata na yan.
Sinamahan ko na lang si Lester kay Sir Villamando para makapasok siya.
Sa wakas... nagumpisa na ang flag ceremony ng Senior High.
Lahat ng late ay maiiwan ang ID, kaya dati marami pa rin ang late ngayon.
Madaming ID na naman ang nakuha habang nakatayo.
Nung napasok pa ako ganoon din ako sa mga guard...matigas ang ulo, laging late. Minsan nga ay nagcucutting pa kami ng mga klase ko...
Kay sarap balikan nung mga araw na nagaaral pa ako, kaysa ngayon.
Konting mali na sa trabaho mo, papagalitan ka na agad ng nakakataas sa 'yo. Ang mas malala, papalitan ka.
Tumigil ako pagkatapos ko ng hayskul at nag hanap na ng trabaho hindi na kasi kaya pag aralin ng magulang ko nung mga araw na yon
Alam niyo, kung ako tatanungin, mas gusto kong pumasok muli, para hindi sa ganitong trabaho lang ang bagsak ko.
Kasi pagkatapos ng kontrata ko dito, mapapalipat na naman ako ng school o kompanya.
Mas gusto ko na lang magtrabaho sa kompanya kaysa dito sa school dahil mas maganda ang kitaan, saka ang titigas ng ulo nga mga kabataan ngayon. Di rin nila sinusulit na pinagaaral sila at nakakaluwag sila ngayon.
Kaya, naisipa kong magipon at mag aral muli
~
Nagroronda kami ni kuya Leo ngayon para makita kung may mga room na walang tao o mga madudumi.
Habang naikot ako sa buong school, may nakita ako poster na nakalagay ay tumatanggap pa ang LCBA next year, kahit mga hindi nakatapos na magaaral muli.
Habang hindi pa natatabunan ng k-12 ang college department.
Nakakalungkot doon na huling taon na 'to para sa mga hindi nakapagtapos dati na pwede pumasok muli, at di na din pala sila dadaan sa k-12, basta high school passer.
BINABASA MO ANG
Huling Pag-asa (Last Hope)
Narrativa generaleHuling pag-asa: simpleng parirala, ngunit maraming kahulugan. --- Pwede sa pamilya, pangarap, kinabukasan, sa mga gustong maabot na pangarap, o sa kung paano sasabihin sa isang tao kung gaano siya kahalaga sayo... Hatid ko sa inyo ang kwento ko na...