Chapter 2

4 0 0
                                    


A/N: Any EXO-L here? Hahaha. Baekhyun oppa release a a song today ❣☺🥰 i'm happy. Enjoy reading everyone. 😉


Chapter 2 --- Unexpected



DAYS passed quickly, weekend na and it's been a month simula noong tumira ako dito sa condo so I think I need to organize some of my personal things. Isang buwan na ko dito pero basic na mga gamit pa lang iyong meron dito sa bahay. I need to buy some things para naman hindi mag-mukhang walang tumitira. I should be thankful na binibigyan pa din nila ako ng allowance pero need ko din yatang maghanap ng part-time job para hindi ko magalaw iyong savings ko kung sakali; don't get me wrong, I may be an outcast but they always assure na allowance ako. For future kaya iniipon. Hahaha. Saka I want to try to have a job before it's too late, but I know medyo mahihirapan ako kasi bawal akong mapagod.

Papa know about my sickness pero never niya kong inalagaan, I know He is busy with our business but since that accident papa became so cold to me cause I know ako ang sinisisi niya kung bakit namatay si mama. Only nay Mila stayed by my side that's why she is like a grandmother to me. Well, close naman ako sa mga grandparents ko pero ayaw ko naman na mag alala pa sila sakin. Dati papa will only see me kapag sasabihin niya iyong schedule ng check up ko pero ngayon hindi na, why? Kasi alam ko na iyong schedules and such he will only check me up kapag nalaman niyang hindi ako pumunta sa mga appointment ng checkups ko.

Kuya Zephyr doesn't know, papa said, huwag na ipaalam kasi hindi naman daw kailangan baka makasagabal pa. Kuya will be the next CEO anyway. Kuya never look at me since that day. Kapag may pagkakataon na magkakasalubong kami, he always had this angry look kaya ako na tong umiiwas. Kuya is just two years older to me. He is a quiet type of a person kahit dati pa, before the accident we are close; he is always overprotective and caring to me. I kind of miss it pero wala din naman na ko magagawa. It already happens. Kung hindi ko lang sana pinilit na sumama sa camping sana mama is still alive. Kahit ako, sinisisi ko ang sarili ko, if only I can turn back time.


Napabaligtas ako ng upo sa kama ng bigla my tumunog, napatingin ko sa side table, bago ko tignan at kunin yung phone ko ay nagbilang muna ako ng mga lima kasi medyo nahilo ako sa pagtayo bigla. Noong makita ko kung sino ang tawag ay agad ko itong sinagot. "Hello Nay Mila?"

"Anak, Bakit ang tagal mo yatang sagutin ang tawag? Ayos ka lang ba?" sagot kagad nito sakin. Hindi ko mapigilan na mapangiti. Even mama is not here anymore, I'm blessed that I have nanay Mila beside me.

"Okay lang po ako, medyo nabigla lang po ako sa pag-upo. Hahaha" sabi ko naman. Well, nakakaliyo naman talaga kapag bigla kang napaupo pagkagaling sa pagkahiga. I'm always a honest person to nanay Mila, but to myself I disagree, especially when I'm saying that I'm okay.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Gusto mo bang puntahan kita diyan? Weekend naman ngayon." I can't stop myself from smiling.

"Nay, ayos lang po ako. Sure po. And no po. Marami po kayong ginagawa diyan saka po di ba? I want to be independent?" I said.

"Pero kasi anak, hindi ko maiwasan na mag alala sayo. May sakit ka tapos mag isa ka lamang diyan." Sabi naman nito sa akin na may himig ng pag aalala. Alam ko naman na may sakit ako ee, pero kung lagi kong iisipin iyon, hindi ko maeenjoy iyong mga natitira ko pang time sa earth kaya dapat iexplore ko na, di ba?

"Nay, I want to live a normal life, ayokong may pagsisihan sa huli, I want to experience life more. Please nanay Mila, hayaan niyo na po ako. Mag iingat naman po ako ee, I'll call you agad kung may masama akong nararamdaman." I tried to make my voice more convincing. Ayaw ko na mag alala pa siya masyado. I'm thankful kasi kahit hindi ko nafifeel yung love and support kina papa e'y nandyan naman si nanay mila para iparamdam sakin yung love ng isang magulang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEALING OF TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon