Preview

218 8 0
                                    

For those who haven't read Alucard: The Last Descendant you can see it on my profile :)


"WAIT for me her Xaia I'm coming to get you back and bring you to my true home." Iyon ang huling narinig ni Xaia kay Alucard nang umalis ito para tapusin ang mga dapat nitong gawin.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot dahil hindi siya sigurado kung kailan sila muling magkikita pero alam niyang babalikan siya nito.

Napabaling ang tingin niya sa may pintuan nang pumasok si Rina nakita pa niya nang manlaki ang mga mata nito nang mapansin na gumaling na ang lahat ng sugat na natamo niya dahil sa atake sa kanya ng kalaban.

Kapagkuwan ay naging malumanay ang itsura nito hindi lang kasi ni minsna nito sinabi sa kanya na nakakaramdam ito sa kanya ng kung anong kakaiba pero hidni na niya pinalawig pa ng husto ang hinala nito sa kanya.

"Hindi ka ba nalulungkot na umalis na siya."

"Nalulungkot lalo na at kilala ko si Al ayaw niya sa lahat ang magpaalam. Ang katwiran niya bakit pa 'yon gagawin kung magkikita pa rin naman kami ulit. Hindi man bukas, o sa isang araw alam kong dadating din ang pagkakataon na kaming dalawa naman ang magkakasama."

Kasunod 'non ay napatingin siya sa paglitaw ng araw mula sa silangan sa panahon na hindi siya makakasama ang taong naging sandalan niya sa lahat ng pagkakataon patuloy pa rin niya itong susuportahan at aantayin hanggang sa istorya naman nilang dalawa ang magumpisa.

She'll be seeing him again, her Alucard the last descendant of his kind. 


On with Chapter One 


Nadia Lucia 

Alucard: The Rise of the Old BloodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon