The Visit

45 3 0
                                    

It was a very exciting last week at the school. I got to know more people as I had gained more popularity. It is Saturday and nakita ko sa checklist ko na wala akong schedule na gagawin. Assignments and reports were done
last night so free ako ngayon.

I checked my social media accounts. I'd got more friend requests and followers in facebook and got some many message requests asking me if I would accept them as friends.

I just ignored it. Ayoko ko munang ma i stress baka sa pagdating ng panahon sila na pala ang sisira sa reputasyon ko.

Naisipan kong i stalk si RAG. Ang famous naman pala niya eh. He'd got more than 50,000 followers and thousands of reactors whenever he posts selfies and shares something. Well, ano pa ba ang ma eexpect ko sa campus crush.

Inistalk ko na rin IG niya. Buti, connected ang account niya sa kanyang facebook account.

Fvccckkk! He's sooooo daaaaamnnn hotttt!

Di ko ineexpect ang mga posts niya. He's a model and a photographer in his own way.

Nabatid ang mata ko sa isang photo niya. He's topless. Ughhhhh! Bakat na bakat 6-pack abs niya. Nag gygym pala ang RAGgy boy na'to. Ang sherep sherep niya.  His eyes and his serious look made it possible to gain him more than 10,000 reactions.

Ano ba??  Am i fantasizing him? Do I like him? Noooo!! MADdy girl! Stop drooling over his online pictures. Pano ba kase? Nahihiya akong maki pagclose sa kanya? Siyempre, DALAGANG PILIPINA ATA TO! Kailangan i maintain ang PURITY AND VIRGINITY KO. Charot! Kung gusto niyang makipag friend sa akin, kailangan siya ang maunang lumapit sa akin.  Duhhh! Haysss!!!

Nahinto lang ang pagdaday dream ko nang biglang may tumatawag sa cellphone ko.

"Hello, Ma?", agad kong sagot kay Mama.

"Andito na kami sa labas ng boarding house niyo. Pwede na ba kaming pumasok?", tanong niya.

"Wait lang po, Ma. Mag-aayos lang po muna ako at bababa na agad. Bye Ma!", sabi ko sabay ayos sa sarili.

I am wearing still my pyjamas and white t-shirt ko. Inayos ko muna buhok ko kasi ang gulo. Nag tooth brush tsaka bumaba na agad.

"Hello, Mama at Papa!", sigaw ko papunta sa kanila. Binuksan ko ang gate at dali-daling yumakap sa kanila. I really missed them.

"Ate Max!", sabay na sigaw nina Katherine at Kristof, mga kambal kong kapatid.

Dali-daling ko na rin silang niyakap at hinalikan ang kanilang mga noo.

Pagkatapos nun, umakyat na kami sa room ko. Sa second floor lang naman ang kwarto ko.

Malawak ang room ko, well-ventilated at air-conditioned. May sariling refrigerator, flat screen television, may wifi at comfort room.

"Wow, anlaki naman pala ng room mo ate," sabi ni Katherine na hawak hawak ang kamay ko.

"Oo naman, para kasya tayo sa tuwing bibisita kayo sa akin",  patawang sabi ko.

"Oh anak, kamusta ka na pala? Okay ka lang ba dito?", pag-alalang tanong ni Papa.

"I am very okay po dito. Wala na po kayong dapat pagproblemahin pa. Kapag may sakit po ako eh, meron naman po ditong infirmary sa loob ng school at libre naman po ang medications ko", sagot ko.

"Eh yung pagkain mo anak? Okay lang ba? Baka magka allergy ka?", malumanay na tanong ni Mama.

"Oh yes po! Hinahatiran po kami dito sa loob ng mga healthy foods po. Don't worry about me. I am living healthy and happily here." Ina assure ko sa kanila na okay lang ako para di na sila mag worry sa akin. Gusto ko na pagtuunan nila ng pansin ang kambal nila. Isa yun sa mga paraan para less na ang problema nila sa akin.

Pinagtagpo pero MagkadugoWhere stories live. Discover now