I am fixing my things when the other four scholars approached me. Noong una ay hindi ko sila napansin dahil may hinahanap ako sa loob ng bag ko.
"Uhhhh... aheemmmm.. excuse me?", mahinang tanong ni Athena.
"Excuse me, Miss Dastarte?", taas-kilay na tanong ni Rowe. Halatang may something sa lalaking ito. Na fefeel ko kaseng may nakatago sa kanyang katawang lupa.
"Oh, yes? Kayo pala! What do you need?", pangiting sagot ko sa kanila.
"Ahhmmm.. gusto lang sana namin makipagkaibigan sa iyo", sambit ni Rain habang iniabot niya sa akin ang kamay niya.
Hindi ko pinansin iyon.
"Parang iba kasi ang turing nila sa amin.... sa atin... you know? Discrimination?", dugtong naman ni Ralph.
"Haha! Sure! Sino pa ba naman ang unang makikipagkampihan dito kung hindi tayo lang naman. We can be friends or even more than that- best friends!", pangiting sambit ko sa kanila.
"You know what, you look so familiar with us?," taas-kilay na sabi ni Rowe.
Gagang baklang to. Mataray amp! Haha!
"Bakit naman?", kunot-kilay kong tanong.
"Ahhhh... parang di mo kami ata nakilala. Kami lang naman ang nilampaso mo every contests at quiz bees sa labas," parang galit na sabi ni Ralph.
" Remember the The Math-Science Olympiad? Your group defeated ours during the Championship na ginanap sa school namin. Kakahiya na matalo kami ng ibang schools sa loob pa mismo ng campus namin", wika naman ni Rain habang pinapakita sa akin ang awarding ceremony ng binanggit niyang event.
Oo nga! I remember that time na nang champion kami. Need ko na rin kasi ng pera pantulong sa mga gastusin sa bahay. Malaki na rin kasi yung premyo. Pero natalo kami sa Regional at puro mga private schools ang nanalo dun.
"Ahhmm.. kami naman, tinalo mo ang grupo ko sa Tagisan ng Talino na kung saan palaging champion ang school namin. Sadly, we lost with just one point sa grupo niyo," mangiyak iyak na sabi ni Athena.
Ahh oo nga pala! I remember! Nag-tie pala ang group namin sa kanila sa final scores kaya nagkaroon ng clincher round. Buti ni review ko ang topic na iyon, kaya nakuha namin ang tamang sagot.
"Sa akin naman, dun sa literary competition. I joined the extemporaneous speaking at character potrayal which is really my strength. However, someone is really better than me. I won second place only that time. Di ko talaga malimutan ang pangalan mo. Pero good thing, nakilala na kita at classmate pa", sabi naman ni Rowe while putting liptint sa labi niya.
"Well, wag mo ng alalahanin yon. Tapos na iyon eh. Naka move on na kami. As in M-O-V-E-O-N!", dugtong niya.
"Haha! At least you did your best naman.. there's no problem with that," sabi ko naman.
"So let's be friends?", wika ni Athena habang inaabot niya kamay niya sa akin.
"SUUUUUUURRREEEEEE!!!!", inabot ko naman kamay ko sa kanya.
"Let's be a team. Team Outsiders on the move!!!!!", malakas na sabi ni Rowe.
YOU ARE READING
Pinagtagpo pero Magkadugo
Novela JuvenilThe first time she saw him, she developed a "love at first sight". Crush siya ng buong campus kaya sino pa ba ang hindi ma-iinlove sa kanya. He had the looks, the height, and the brain- a perfect boyfriend material. As time goes by, she would discov...