Oplan Hanap kay Kakambal

41 2 0
                                    

"Hey Max!", tawag sa akin ni RAG. "Can we talk?", dugtong niya.

Omeeeegaaaadddd! Dug dug dug dug.... bakit anlakas ng tibok ng puso ko? Sino ba naman ang hindi makakabahan kapag ang campus crush ang gustong kumausap sa'yo?

Daaannnggg! He smiled at me as I walked towards him. Sh*****t!! Parang ikakasal ako sa simbahan ... tsaka naghihintay ang groom sa altar. Charot!

"Uhmmmm.. gusto ko lang sanang itanong kunggggg... kuuungggg... kuuunnggg..", pautal-utal na sabi niya.    He felt butterflies in the stomach. I could felt it.

"Kung? Ano?", dugtong ko. Di ko alam kung ano ang susunod na sasabihin ko. Ako rin ay nakadama ng konting pagkaba at takot.

"I would just like to ask if you are SINGLE," hiyang-hiya siya sa sinabi niya. Lumayo ang tingin niya sa akin. Halatang nahihiya ata.

Pero whaaaatt? Whaaatt? Ano ang sabi niya? He is asking me kung single  ako. Fvcccckkk! HEEELLL YESSSSS! I AM SINGLE AND I AM READY TO MINGLE. Haha! Nanalaytay na naman sa dugo ko ang pagkalandi ko. Charot!

"Uhhmm... yesshhh?.. oo?.. yeaahhh??", sabi ko habang itinatago ko ang kilig at kaba.

Daaaamnn! Nagbablush ba ako? Namumula ata pisngi ko? Parang umiinit ang katawang lupa ko...

Then he looked at me seriously and then smiled," So, pwede ba kitang li...".

Tok! Tok! Tok!

Arrghhhhhh! Pvtaaaa! Naputol ang panaginip ko. The fvcckkk! Akala ko totoo na.... lintik na panaginip to...

Sinong demonyo na naman ang kumatok sa pintuan? Ang aga-aga naman!

I walked slowly towards my door and then opened it.

"Hi girl!", bati ni Rowe sa akin kasama niya sina Ralph, Athena at Rain.

"Oh kayo pala! Haha!", sabi ko sa kanila. Pasalamat kayo, dahil kaibigan ko kayo. Dahil kung hindi, pjnagsasampal ko na kayo. Charot lang!

"Let's have a jogging. Tsaka parang tour na rin. Gusto ko na ring libutin ang school natin eh", sabi ni Athena.

Ay oo nga pala. Sunday pala ngayon. Maganda ang panahon and it's 6:30 in the morning. So I agreed with them and told them to wait for me in just 10 minutes kasi mag-aayos muna ako ng sarili ko.

They waited for me outside our boarding house. By the way, iisa lang pala kami ng boarding house kaso iba-iba ang rooms namin.

Wearing my white t-shirt, blue jogging shorts and black rubber shoes, I hurried downstairs to meet them.

"Ay.. ang gandaaaaaa.. Bonggaaaa ka girl!", sigaw ni Rowe. "Andami mo na atang jowa no?", dugtong ni bakla.

"Hoy, single ako nu. Study first muna ako.", sabi ko.

Close na kaming lima kahit one week pa lang kami na magkaklase.

"Uy, wait! Groufie muna tayo", sabi ni Rain. Gwapo rin naman si Rain. FYI, isa siya sa mga secret crushes ko sa room namin. Haha.. malandeee!

Nagselfie kami at nagpose ng kung anu-ano. Flex pa kami ng flex ng mga katawan namin nang nagsabi si Ralph ng "Oh, maggogroufie lang ba tayo o magjojogging?"

"Let's go", sabi ko na sa kanila. We started to jog na.

After a few minutes of jogging, nasulyapan namin ang magagandang buildings ng school. Ang tataas at ang lalaki! Nakita namin ang Auditorium at ang school canteen. Nagstop muna kami at syempre, nagpapicture na naman. After a few shots, we continue our tour jogging.

So nagdecide ako na iopen ko sa kanila ang tungkol sa sarili ko. Yung may kakambal ako. Maybe they can help me to find my long lost twin brother.

"Really? May twin brother ka?", shocked na tanong ni Athena.

"Yes... kahapon ko lang nalaman kay Mama. We got separated when we were babies dun sa orphanage. The only thing na makilala ko siya ay ang necklace na picture namin pero punit", sabi ko sa kanila.

Ipinakita ko sa kanila ang kwintas na suot ko.

"Mahirap ata ang pinagdadaanan mo", sabi ni Ralph.

"Well, andito lang kami to help you. What are friends for?", ngiting sabi ni Rain.

"So para na rin tayong mga detectives or mga investigators na magsosolve ng isang case. I am so excited!", gigil na sabi ni Rowe.

Nagpapasalamat ako sa kanila dahil naging kaibigan ko sila. Nandyan sila para i encourage ako at tulungan ako.

So we continued again to jog hanggang napadaan kami sa basketball court. May mga naglalaro sa loob ng court.

"Omaygaaadddd! A lot of boys na naman", kilig na kilig na sabi ni Rowe.

"Ay ang landi landi mo te!", sabi naman ni Athena.

Tumawa kaming lima.

Is that RAG? Based from his height and looks, OO NGA! SIYA NGA PALA TALAGA!

Ang galing niya pala magbasketball. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend niya. Pero hindi ko rin magtanggal sa aking isipan kung may nagpapasaya na ba sa puso niya.

Tumigil kami saglit. Nanood muna kami saktong nag water break din sila.

Fvckkkk! Bakit ansarap sarap niyang uminom ng tubig? Parang gusto ko na maging tumbler niya para maglapat ang mga labi namin. Parang gusto ko na ring maging towel niya para madampihan ko man lang ang makinis at maputi niyang kutis. Chosss! Ang wild naman ng imagination ko.

Napakalalim ng titig ko sa kanya nang hindi ko namalayan na lumalapit na pala siya amin. Kinalabit ako ni Rowe.
Bumalik ako sa katinuan ko. Ayyyy! Hala!

Heto na naman. Nakatitig na rin siya sa akin.

"Hi scholars! Especially to Ms. Maxine!," bati niya.

"Uyyy, hi RAG!", bati ni Rowe sa kanya.

"Hi!", cold na sagot nito pero nakatitig pa rin siya akin.

"Ay ang suplado!", sagot naman ni Rowe.

"Let's go! Baka masuntok ko pa ang isa rito eh!", galit na sabi ni Rain.

We decided to continue our tour jogging. Umalis na kami para wala ng away. Ang aga-aga pero nakaka bad vibes na.

Siyempre, kada buildings or vicinity na madaanan namin ay kumukuha pa rin kami ng pictures. Syempre, for memories.

We reached our boarding house.

"We can talk later about sa plano natin para mahanap ang nanawalang loonnggg loosstttt twwwiinn brothaaaa ni sister ko", patawang sabi ni Rowe.

"Yeahh.. sure.. welcome kayo sa room ko", sagot ko naman.

Then, we parted out ways as we entered our rooms.

Pinagtagpo pero MagkadugoWhere stories live. Discover now