Chapter 9: Confession.

0 0 0
                                    


Naalimpungatan ako dahil sa boses na narinig ko.

"Shin,  gising na uuwi na kita. "-Boses ng lalaki at ng makita ko ito ay si Kean pala.

Hindi ko namalayan na nandito pa pala kami sa park at nakatulog ako sa balikat nya.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na.

"10 pm na pala,  kailangan ko ng umuwi baka magalit pa si daddy. "- i said.

"Kanina pa nga kita ginigising kaso ayaw mo gumising e, tapos naghihilik ka pa at muntik ng matuluan ng laway hahahhahaa"-kean said while laughing.

Hinampas ko sya sa braso at tumayo bigla pero hinawakan nya ang kamay ko at sinabing....

"Joke lang,  ito naman di mabiro,  sorry na, i just want to make you happy. "-he said with a smile.

Biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko ng sabihin nya yon.

Shit!

Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak pa rin,  napatingin din sya don ngunit imbes na bitawan ay mas lalo nyang hinigpitan ito at bigla akong hinitak paupo sa kandungan nya.

"I'm sorry for all bad and immatured things that i did and still doing to you...."-kean said sincerely and with a serious tone.

"I'm sorry for being like this,  this kind of man.."-dagdag nya.

"And i'm sorry because this is the only way i know to be with you shin,  to be with the one i like.....and love. "-kean said.

Kinagulat ko ang huling sinabi nya. Kahit kelan hindi ko naisip na magkakagusto sya sakin dahil sa mga ginagawa nyang mga asar sakin minsan.  Pero ngayon naiintindihan ko na,  naiintindihan ko na yung mga ginagawa nyang mga bagay na nakakapag comfort sakin, ngayon ko lang nabigyan ng linaw yon.

Bumilis ng bumilis ang tibok ng puso ko at parang may mga paru paro sa loob ng tyan ko. Hindi ko alam pero parang alam ko ang pakiramdam na ito pero dinedeny ko lang. Siguro nga.....

Siguro nga, mahal na kita.

Hindi ko masabi kay kean ang mga salitang iyon dahil gusto ko munang matanggal si Fauxen sa puso at isip ko.

"Kleia Shin Ruiz, i like you,  hindi ko alam kung kelan pero siguro nga,  na love at first sight ako sayo kasi unang kita ko palang sayo ayaw ng lumipat sa iba ng mata ko... "-kean.

"Parang nag slow motion ang lahat ng tumama sayo ang mga mata ko,  iba toh sa naranasan ko noon sa mga ex ko,  ibang iba ito shin..."-sabi nya ng may biglang tumulong luha sa mga mata nya.

"Nung una, hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko,  pero nung nakasama na kita, doon,  doon ko napantanto kung ano ito... " - dagdag nya.

"Oo shin,  sobrang iba ito kay Nea kasi mas malala yung nararamdaman ko para sayo. Ngayon ko lang naramdaman ito.  Sayo lang,  at nagugustuhan ko na itong nararamdaman ko sayo kasi..."-pambitin nya.

"Kasi hindi ka naman mahirap mahalin, kasi ang totoo sobrang sarap mong mahalin at gusto kong maramdaman ko kung paano mo ko mahalin dahil ako ang pinaka maswerteng lalaki kapag nangyare yon. "-kean said habang umiiyak.

"Kean... "-iyan na lamang ang nasabi ko.

"Kaso alam kong hindi pwede e,  kasi mahal mo pa sya e... "-kean.

"At ayokong maging rebound,  ayoko shin ayoko. Kaya natatakot ako na sabihin sayo itong nararamdaman ko kasi natatakot akong marinig ang sasabihin mo at baka masaktan muli ako.. "-patuloy nya.

Dear future husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon