Chapter 14: Forgive and forget.

0 0 0
                                    

Kleia's Point of View

After 7 years...

After 7 years ay ito ako ngayon at nag tatrabaho na bilang isang teacher ng mga primary students. Matagal na panahon na din simula ng mangyare samin ang mga masasamang pangyayare noon. 

Kami pa rin ni Kean hanggang ngayon.  We're still strong.  Sa nakalipas na taon ay mas nakilala namin ni Kean ang isa't isa.  May nagbago din samin.  Mas namatured na kami ngayon.  Habang tumatagal ay mas lalo akong napapamahal kay Kean.

Si Fauxen naman ay gumaling na din sa naging sakit nya.  Nagkaroon sya ng sakit sa utak at ngayon ay gumaling na ito dahil sa mga doctor na tumulong sa kanya.  Nagkasakit daw sya ng ganon dahil sa sobrang sisi nya sa sarili nya sa pagkamatay ng kanyang lolo.

Maayos ko naman na syang nakakausap ngayon at ipinaliwanag sa kanya kung ano na ang sitwasyon namin ngayon.

Si Anj na kapatid ko naman ay First year college na at ngayon ay may boyfriend na din.  Nung una ay ayaw pumayag ni daddy ngunit kalauna'y napapayag din nya.  Ang boyfriend nya ay ang pinsan ni Kean na si Lance Gerald Grieco,  may lahit itong ibang lahi na halata naman sa mata nyang kulay blue. Magkasing edad lang sila at ngayon ay dito na rin ito nag stay para sa kapatid ko.  Mag kaiba sila ng course kaya mag kaiba sila ng building.

Ang kapatid ko ay kumukuha ng kursong nurse, si Lance naman ay gusto maging isang ganap na engineer.  Lagi naman silang nag aaway dahil sa selosa ang kapatid ko dahil hindi maikakailang gwapo si Lance kaya maraming nahuhumaling dito.

Magkamuka lamang kami ng kurso ni Kean dahil matagal na pala nyang gustong maging teacher din katulad ko.  Halata naman iyon dahil mahilig sya sa bata.

Si mommy at daddy naman ay nangangamba na baka iwan at kalimutan daw namin sila kapag nakapag asawa na kaming dalawa ni Anj. Hindi na gaanong umaalis ngayon si daddy dahil mas binibigyan nya na kami ngayon ng oras na pamilya nya. Naging close din ang parents ko sa parents ni Kean dahil parehas na sila ngayong magkasosyo sa business. Pati ang parents ni Lance ay kasosyo na din nila.

Nalaman naman namin na si Nea ay nasa ospital ngayon,  may Brain cancer sya.  Matagal na syang meron nito ngunit hindi nya sinasabi sa pamilya nya pati si Kean ay hindi din daw ito alam. Nalaman na lamang ito ng may minsang nagbalita sa pamilya nya na kaibigan nya at sinabing nasa ospital nga ito at ganoon na ang kalagayan.

Pinuntahan agad namin sya sa States, doon sya nagtago mula sa amin. Pinaatras ko ang kaso sa kanya. Nang makapunta na kami sa states ay doon namin nalaman na stage 4 na ang cancer nya. Hindi daw ito nagpapacheck up dahil sa takot na baka mahuli sya ng mga pulis.

Nagulat kami dahil sa sinapit nya.  Siguro nga ito na ang karma sa ginawa nya samin ngunit naaawa pa rin ako sa kanya. Nung unang punta namin doon ay takot na takot sya na baka may kasama daw kaming pulis. Araw araw kaming nagpunta doon hanggang sa nakausap na namin sya ng maayos. Nakausap namin sya kahit na medyo hirap na sya sa pagsasalita dahil sa cancer nya.

Pinipilit nyang magsalita para humingi ng tawad sa mga ginawa nya samin na naiintindihan ko naman na dahil iyon sa pagmamahal nya ng sobra kay Kean. Kinuwento din sa akin ni Nea kung paano nya naging ex-fiance si Fauxen.

Naging magkasosyo daw ang parents ni Nea at lolo ni Fauxen at gusto nilang mas palawigin ang pagsasama ng dalawang magkasosyo sa pamamagitan ng kasal. Sumang ayon din daw agad ang mga magulang ni Fauxen dahil wala din daw itong magawa sa gusto ng lolo ni Fauxen. Ngunit ayaw magpakasal ng dalawa dahil may mahal silang iba at yuon nga ay kaming dalawa ni Kean. Nung nalaman ng lolo ni fauxen iyon ay sobrang nagalit daw ito na naging dahilan ng ataki nito sa puso at kinamatay nito.

Dear future husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon