"Anak, naasikaso mo na ba lahat ng gagamitin nyo sa camping!" saad ni mama na nagmula pa sa kusina ng aming bahay.
"Nafix ko na po lahat ma!, kaya relax ka na lang diyan!" tugon ko naman.
Narito ako ngayon sa loob ng aming kwarto. Ang kasama ko sa kwarto na ito ang Ate ko Pangalawa na ngayon ay wala dito, dahil may duty siya ngayon sa Call center company. Bali, tatlo kaming magkakapatid at ang kuya ko lang may asawa’t anak na nakatira ngayon sa Ilocos.
Kinuha ko na ang malaking backpak na bag na naglalaman ng medicine kit, pang-hygince at mga biscuit na akin makain, Ilang piraso ng damit na magagamit ko during camping
"Mama, aalis na ako!," sabi nang nagtungo na ako sa sala ng aming bahay.
"Kumain ka nga muna, bago ka umalis at magbaon ka nga rin ng niluto kong giniling ng maibahagi mo sa mga kaibigan mo roon."
“Kumain na ako ng kanin kaninang hapon,” saad ko.
“Kanina pa ‘yon, tanghalian yung Ulam.” habang ‘di nakatingin sa akin.
Kaagad ko na lang sinunod si Mama at nagtungo muna sa hapag kainan. Alam ko naman kasi ugali ng nanay ko kapag tumanggi pa ako.
Naku, magbago pa isip niyan.
Nangmakaupo na ako sa upuan kung saan ang mesa namin sa kusina ay inasikaso naman ako ni mama.Nilapagan naman niya ako ng plato at inabutan niya rin ako ng kutsara, tinidor at baso na nilagyan niya ng malamig na fresh mango juice
" Anak, ilang araw ba kayo mag camping sa school niyo?"tanong sa akin ni mama.
" 3 nigths and 2 days po, basta mama tatlong araw lang." sagot ko habang kumakain ako ng niluto niyang giniling.
By the way sembreak na namin dahil isang linggo na lang at parating nanaman ang All Saints'Day.
"Mag iingat ka ha!, hwag muna masyado gumawa ng kalokohan duon ah. Huwag mo kakalimutan ang paalala ko sainyo ng Ate mo ng
“Kung mag-isa umalis, mag-isa din bumalik" pagbibiro na saad ni mama sa akin.
"Si Mama talaga, School camping lang pupuntahan ko, about parin yung sa education purfoses. Kaya, hwag po kayo mag alala, nanduon din po ang Teacher namin sa T.L.E na si Maam Evangelista". Pagpapaliwanag ko naman.
"Sige, ako ay nag paalala lang bilang magulang"saad ni Mama. Sabay Patong naman ng kaniyang kamay sa aking balikat.
Naupo na rin siya sa aking tabi.
"Alam ko naman po iyon Mama" sabay bigay ko naman sa kanya ng isang ngiti.
"Dalian mo na kumain diyan at sasamahan pa kita sa Paradahan ng Tricycle." Binigyan na lamang ako ni mama ng isang ngiti na tila maykasamang pagmamahal ng isang ina.
45 minutes narito na ako sa tapat ng School namin. 8:20 na rin ng gabi marami na rin kami nasa harapan ng gate ng school.
Bali, Ang napili lang na pwede sumama , para sa gaganaping Camping dito sa School. Ang mga member ng Boy Scout. Kaya ayun hindi lahat ng 4th year highschool student ang pwede sumama.
Buti na lang. Sinuwerte ako at naging member ako ng Scouting since sophomore. Di naman ako masyado active nu’n tulad ng mga na elect na Representative, for Scouting. Pero, at least now. Ma-experience ko na rin kung paano ba pakiramdam ng nag camping.
"Verity!,nandito kami!" sigaw ng pamilyar na boses rinig ko na banda iyon sa kanan. Kaya, agad ako nagtungo duon.
Natanaw ko ang isang babae na nakaupo sa armchair banda sa gilid ng gate at kasama ang isang lalaki na naka eyeglasses na mukang busy-busy pa makipag usapan sa isa't- isa.

YOU ARE READING
Unforgettable Night
Fanfictionis all about the memorable overnigth camping in the school of the 4th year high school students.that never being forget the incident in there high school life Ps. Credit sa gumawa ng Book cover ng story na ito. I love you baby gurl Pss. Im currently...