“Maam thank you po, ” sambit ko ng makuha ko na ang aking creditials at nilisan ko na ang registrar sa School kung saan ako Grumaduate ng High school.
Binaybay ko na ang corridor at nagmamasid ako sa paligid ng School.
2 years na rin pala ang nakakaraan.
Ang tagal ko na rin pala hindi na nakakapunta dito.
Masasabi na marami ang pinagbago ng School, Mas lalo pa ito gumanda.
At sa labas naman ng School marami na rin mga korean restaurant at ibat-ibang klase ng milktea shop ang makikita.
Ang ganda na talaga ng improvement ng lugar na ito.
Dati lang streetfood vendor lang nakikita namin nila Cassandra noon. Ngayon lumevel up na
Public School na ito.Pero, yayamanin na ang mga Estudyante nagyon afford na nila bumili ng mamahaling Milktea.
Sana all may pang bili rin, nakakainggit
Ako kasi kailangan ko muna ibudget ang allowance na binibigay sa akin ni Mama at nag Part time job din ako sa isang Coffee shop malapit sa School na pinapasukan ko College Institution.
Mamahalin din kasi napili kong Course. Bs,HRM lang naman.
Pero, atleast ayos lang kila Mama.
Basta kung ano ang nagpapasaya sa akin, naka suporta lang sila sa akin.
Hindi narin kami halos nagkikita-kita nila Wendy at Cassandra kasi busy rin sila sa pag aaral nila.
Bihira ko na nga lang sila maka text or makachat sa social media.
“Aray!,” sabi ko
May nabangga akong isang tao sa tingin ko ay lalaki ito.
Dahil base sa kanyang pabango na pang lalaki ang amoy, nasanggi niya pa ang aking kanan balikat.
Parang mapipilayan pa ako
“Miss, sorry,” sabi ng isang malaking bosess ng lalaki.
“Kuya,Okey la-” hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng napatingin ako kung Sino ang may-ari ng boses na iyon, mukang kilala ko siya.
Pero, di ko alam kung saan ko siya nakita.
“Sorry, talaga Verity,” Sabi niya pa. Tila may pagkagulat din na makita ako.
“Kilala mo ako ?” alangan na sabi ko.
“Oo, Ako yung classmate mo since 3rd year to 4rth year High School.” Pagpapaalala niya sa akin.
Ang lalaki na nakabanggaan ko ay may salamin na di naman masyado malaki ang frame.
Pero, makapal ang dalawang lense.
Matangkad na maputi, kahit simpleng V-neck na style ng t-shirt.Tapos, naka short lang siya na di naman gaano ka iksi hanggang tuhod at Nakasyenelas lang.
Pero, sa tingin ko mamahalin iyon. magaling siya magdala ng porma. Yung tipo ang simpleng suot niya.
Pero,Kapag sinuot na niya nagiging astig.
Nang marecognize ko kung sino siya ay napatawa na lang ako na medyo nakaka awkward.
“Oo nga pala, Sorry. Kilala na kita,” sabi ko sa kaniya.
“Ayos lang, marami naman nag bago sa akin,” tanging sagot niya.
Medyo tumama nga siya roon. Malaki rin ang pinagbago ng itsura ni Benidict. Hindi ko nga rin siya nakilala kaagad.
katulad din ng School at sa labas nito. Super nag upgrade na rin ang looks niya.
YOU ARE READING
Unforgettable Night
Fanfictionis all about the memorable overnigth camping in the school of the 4th year high school students.that never being forget the incident in there high school life Ps. Credit sa gumawa ng Book cover ng story na ito. I love you baby gurl Pss. Im currently...