First Part

68 2 1
                                    

"Guys, I'm really excited na talaga sa darating na camping natin sa sabado," sabi ni Cassandra.

Isa sa aking mga classmate at Best friend ko rin since freshmen.

"Ako rin kaya, di ka naman nag-iisa na excited dun sa camping"sabat naman ni Wendy isa rin sa aking Best friend.

Sila talaga dalawa ang pinaka solid na Kaibigan ko sa High School.

May mga kaibigan din naman kami. Pero, Kami lang siguro ang hindi napaghihiwalay

"Aysus, sabihin nyo. Kaya, Kayo excited sa camping. Nanduon lang yung crush n'yo na sila. Benedict at Edmund. Kasi, pupunta sila sa sabado. Siguro kapag 'di sila pumunta, 'di rin kayo a-attend sa darating na camping." Nilagok ko naman ang isang baso na naglalaman ng gulaman at pinagpatuloy ko na ang pagkain ng palabok na aking binili sa school canteen ng aming paaralan.

Breaktime kasi namin ngayon dito sa school.
Kasalukuyang nasa umbrella kami nakatambay malapit sa isang gardening ng aming paaralan. favorite place namin itong tatlo, kesa makipag siksikan sa canteen.

Masyado na kasi crownded yung place nayun. Kaya, wala na lumalabas na hangin. At puro, mainit na singaw na lamang. Tapos, isama pa na maingay pa ng mga estudyante.

Unlike dito sa garden, may malalanghap ka ng sariwang hangin at di masyado tirik ang araw dito, dahil may pasadyang nakaform na figure ng umbrella na gawa sa semento at pati ang mesa.

Ang kinauupuan namin ay gawa sa bato, na pinakinis na mala marmol kaya, di masyado masakit kapag nakaupo dito.
At dagdag pa ang atraksyon ang ibat-ibang klase mga tanim dito.

Lalo na ang isa pang gusto dito ay ang mga naggagandahang bulaklak na magkakaiba ang mga kulay.
Kada naamoy ko ito. nanunuot sa ilong ko ang halimuyak ng amoy nito.

Nagbibigay sa akin ng relaxation sa aking isipan. Napakasarap talagang pagmasdan.

Sarap lang i-appriciate ang kagandahan ni mother nature

Super, mamimiss ko rin ang favorite kong spot dito sa school, ito na kasi ang huling taon na namin sa Sa High School at next School year, sa ibat-iba na kami mag aaral ng mga kaibigan ko.

"Masiyado ka namang basag trip, Verity. Palibhasa kasi, 'di ka lang pinapansin ng dalawang 'yon. Kaya, ganiyan ka ka-amplaya," tila mapanuksong boses ni Wendy

" Ikaw, talaga Wendy. Alam mo naman broken pa yan si Verity kay Edmund no. Kaya ganyan yan ka-bitter" pang aasar din ni Cassandra sa akin.

Napatingin naman ako kay Cassandra at sabay taas ng kilay ko sa kanya.

Kailan ako naging broken?

Sabi ko sa aking isipan. Habang nakatitig parin ako kay Cassandra.

"Hoy!, Cassandra. Manahimik ka nga diyan, may makarinig pa saiyo at akalain patay na patay ako sa Edmund mo" saad ko sabay lingon -lingon sa paligid

aba mahirap na may makarinig pa type ko si Edmund kahit wala naman ako romantic feelings sa tao.

Alam nyo naman ang chismiss may tainga at pakpak.

"Masyado ka naman pikon, Verity pagdating kay Edmund. Uy... crush mo sya no!." pangangatyaw ni Wendy.
"Loka, di no!"inis na sagot ko.

"Di mo kami, maloloko, anu pa at naging Best friend ka namin" sambit ni Wendy.

Napailing na lang ako.

" Wait, Si Benidict" Sabay nguso ni Cassandra. Bigla na lang nag nining ang mga mata nito at automatic na napangiti pa siya.

Bigla naman kami napatingin ni wendy sa tinuro n'yang direksyon at natanaw namin naglalakad mag-isa ang kaklase namin na si Benidict patungo na ito sa Building kung saan kami nag ro-room.

Unforgettable Night  Where stories live. Discover now