Ikalawang Linya

15 4 0
                                    

Naglalakad kami papasok sa Letran, we decided to meet sa Jollibee malapit sa school since practice lang naman para sa graduation ang activity namin for today.

Sitting near the entrance while waiting for Ashry Miguella I saw my dream. Literally, nakita ko ang dati kong pangarap. A man dressed in a pilot uniform looking clean with his thick eyebrows, perfect set of clean white teeth, a not so pointed nose but still fits his boyish look, and those lips! na mapapa get get aww ka! Omyghad what am I thinking! sobrang aga pa para sa ganitong bagay for god's sake! 7am palang, so I decided na mamayang tanghali ko nalang siya pagpapantasyahan charot 1/2! 

"HOY! KANINA PA AKO DITO BAKIT TULALA KAYONG LAHAT!" Ash the late comer and nagger friend of mine said.

Hindi namin siya napansin dahil lahat kami ay nakatingin kay Daddy pilot! lol come to momma my dear. Ang dumi ng utak agang-aga chella!

"Ay si ate mong chella hindi maka move on?" Ari said. Then they all laughed.

"Ano ba na-amaze lang ako kasi diba frustrated pilot ako before, I mean mga bakla that was my dream! kung malinaw lang ang mga mata ko at pasok ang height ko" sagot ko naman. Slightly defensive

"Baka naman ang papable na iyon ang pangarap mo baklang to!" Angelice my kontrabida friend said.

"hays pero may itsura siya mahunting nga mamaya!" dagdag pa ni Angelice.

"nako tigil tigilan mo ako mamaya puno nanaman ng "kuyang naka pilot uniform sa Jollibee Letran" yang search bar mo sa fb ha!" sabi ni Ash sabay kagat sa burger niya.

"Change topic nga paano tayo papasa sa ust mga bakla kayo! yung tropa kong si Clyde na dating grade 12 matalino pero bumagsak don ayon nag Adamson nalang!" sabi ko sa kanila.

"Edi mag review center tayo, 10k bayad good for one month na" Ari suggested.

"Game ako dyan omg! sana madaming papables!" birada agad ni Ash ang tropa kong pinanganak para maghanap ng gwapo.

"Ulol kang bakla ka! Hahanap hanap ng malalandi takot ka nga sa commitment!" Pambabara ko sa tropa kong bukmabibig ang salitang gwapo.

"Parang ikaw hindi lintik ka! mga titig mo nga kanina kay papable pilot parang hinuhubaran mo na!" Pang-aaway ni Ash sa akin.

Hindi ko nalang siya sinagot kasi naalala ko nanaman yung lalaki, ewan ko ba feeling ko connected ako sakanya or baka nababaliw na ako. Para kasing hindi ito ang first time na makita ko siya parang may kakaiba kasi o baka lumalabas lang talaga ang pagkamaharot ko? charot 1/2 ulit!

"Oh tignan mo hindi nanaman makaimik ang echuserang tropa natin!" Ash ulit na hindi pa rin tumitigil.

I changed the topic by asking them, ayoko kasing pag-usapan lalo lang akong nagiging curious. So we silently eat after that. Finally, peace.

After eating pumunta na kami sa gym ng school psra magpractice hello with high honors lang naman ang echuserang ito! motto kasi naming magkakaibigan na "Laude bago Landi" pero syempre hindi maiiwasan na mapasobra ang landi sa katawan but nevermind hanggang crush lang naman kami. Actually lahat kami ay gagraduate na may awards, friendship goals mga bakla! 

Our day went smoothly, nakakapagod ang practice tapos late pa natapos dahil nasermonan ang batch namin, andami kasing nagcucut at tumatakas sa practice ewan ko ba!

"bye mga bakla! See you sa monday!" we bid our goodbyes. 

On my way home, iniisip ko pa rin kung saan ko nga ba nakita before yung lalaki kanina. My gosh! ewan ko ba lagi akong ganito hangga't hindi ko naaalala hindi ako tumitigil ilang beses kaya ako inire ni mama at nasobrahan ako sa kulit!

Nang makarating sa bahay hindi pa rin ako matahimik! muntik ko na nga gawin ang sinabi ni Ash kanina kay Ari, yung isearch sa facebook si "kuyang piloto sa Jollibee Letran" pero tyL tinawag na ako ni mama for dinner.

"Anak, may naisip ka na bang papasukan sa college? Aba malapit na graduation mo ah" sabi ni papa ang super supportive kong tatay.

"baka hindi na mag-aaral yang batang yan!" sabi ni Kuya Bryan ang kapatid kong alaskador.

"Nasa harap ng pagkain wag kayong magtatalo" sabi naman ni mama.

"Ah gusto ko po sana mag enroll sa review center para preparation ko po sa entrance exam sa college" mahinahong sabi ko s kanila. Alam ko namang papayag sila dahil lalo na't pag-aaral ang pinag-uusapan namin. Simula bata pa kasi hindi naman sa pagmamayabang ay hilig ko na pag-aaral. Lagi akong top 1 noong elementary, nang mag high school ay kasali pa rin naman sa top at ngayon nga na senior high ay gagraduate akong with high honors kaya hindi nila ako pinipigilan sa kagustuhan ko. 

"Oo naman kasama mo ba sila Ash dyan? Isama mo na rin ang pinsan mong si Liel, hindi ba kayo sabay umuwi kanina?" sabi ni mama.

Si liel ay pinsan ko, kabatch ko siya ngunit ibang section at palagi kaming magkasama sa lahat ng bagay simula pa noong mga bata pa kami. Pangarap nga naming sabay maging Engineer noon kung hindi papalarin ay mag-aasawa nalang ng engineer! Charot 1/4, matalino rin ang isang iyon! Pareho kaming gagraduate na with high honors sa Letran kaya alam kong papayagan kami na mag-aral sa dream school namin lalo pa't magkasama.

Doon na natapos ang pag-uusap namin, agad akong nag chat kay liel tungkol sa review center.

Braychella Annelle Salvador:
Sizter! sabay tayong mag enroll sa review center ha pinayagan na ako sana ikaw din!

Marliel Jera Salvador:
Oo nagsabi na rin me! payag sila mamc. G na ha!

Braychella Anelle Salvador:
Sige punta tayo tom sa mismong review center para inquire na rin tapos gala tayo!

Marliel Jera Salvador:
Sige mga 2pm nalang. Bye na sis mag omegle muna ako hahanap akong asukal de papa! Charot HAHAHAHA

Braychella Annelle Salvador:
Sige pabalato nalang! Bye.

I decided to check my social media accounts after that, I saw a lot of friend requests from my facebook account but I just ignored them. I really don't accept people na hindi familiar sa akin.

Binuksan ko nalang ang PUBG app ko sa phone, lagi akong naglalaro tuwing may time joke! Lagi ko talagang ginagawan ng paraan para makalaro ako, medyo adik lang noob naman charot 1/2 uli.

*shroudddPH invited you to a team*
Inaccept ko naman, lagi kong nakakalaro itong shroud ph na ito well ganon naman talaga, that's how online game works. 

After playing, I decided to sleep 'coz it's already 2am and may lakad pa kami ng pinsan ko tomorrow. But before I could exit my PUBG app shroudddPH sent me a message saying "see you soon" 

Still confused but too tired to react, I finally fell asleep.

A Poem I Can Never ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon