Ikaanim na linya

10 0 0
                                    

Pagkatapos ng  araw na iyon ay hindi na uli nakita ni anino man lamang ni Ranch, he's really weird minsan masungit, minsan mapang-asar ewan ko ba sakanya. It's been a month nang huli ko siyang makita nakakapagtaka lang kasi na kompleto silang barkada palagi maliban sa kaniya. Favorite tambayan kasi nila Kuya ang bahay namin. Pati na rin nung graduation ko andito silang lahat maliban kay Ranch. 

Anyway hindi naman sa hinahanap hanap ko siya pero kasi bigla nalang siya nawala talaga, kasi dati sabi niya nga diba na siya si shroudph na lagi kong nakakalaro sa pubg pero kahit doon wala siya, lagi tuloy ako talo dahil walang nagbubuhat sa akin! 

"chella let's go! baka malate tayo first day pa naman omg" that's liel. Oo nga pala it's our first day sa mismong review center. Isasabay na kami ni kuya bry since may pasok din naman siya. Konti nalang magagaya na kami sakanya, na kahit bakasyon na ng ibang students ang mga college students walang palya.


"Wait! I forgot my papers una kana sa car! sigaw ko kay liel. Medyo makakalimutin din kasi talaga ako buti nga inayos ko na kagabi lahat ng gagamitin ko nakahiwalay lang talaga tong mga papel ko kasi ipinahanap ko pa kay mama louie. Si mama louie ang kasambahay namin medyo matanda na siya pero siya lang kasi pinagkakatiwalaan nila mama pagdating sa bahay. Louise ang tunay niyang pangalan at siguro hindi pa ako ipinapanganak tagapagsilbi na namin siya. Wala nga rin pamilya si mama louie pero balita ko may anak siya na nasa Manila pero never niya pa ulit nakita kasi kinuha raw nung tatay basta I love mama louie. Lagi kasing busy sila mama sa work kaya siya talaga lagi ko kasama pero I understand them naman na para sa amin ang ginagawa nila. 


"Chella ang tubig mo muntik mo na maiwan!" sabi ni mama louie. Kinuha ko naman yon tsaka dali-daling kumaway nalang sa kaniya dahil nga mapapagalitan na ako nila kuya. 


"antagal mo kahit kelan talaga sobrang bagal mo kumilos!" si liel na agang-aga nagbubunganga nanaman. 


Hindi ko nalang siya pinansin dahil wala pa ako sa mood at baka humaba pa ang usapan. Tahimik lang ako sa byahe, nung malapit na kami ay dumaan muna kami sa drive thru dahil nagugutom na raw si kuya, hindi na kasi kami nakapag breakfast kakamadali. After 20 mins nakarating na rin kami sa mismong review center pero bago ako makapagpaalam kay kuya ay biglang nag ring ang cellphone niya. 


"oh pre anong balita? tagal mo na di pumapasok ah" sabi ni kuya sa kausap, hindi ko naman alam kung sino. 

"sige daanan nalang kita hatid ko lang sila chella" sagot ni kuya sa kausap sabay tingin samin ni liel. 


"oh chella at liel message niyo nalang ako if you need anything, wag maghahanap ng pogi ha mag-aaral kayo dyan tandaan!" sabi ni kuya na may nanlalaking mata. Makasermon naman parang tatay lang. 


"ok dad sure" walang gana kong sabi dahil inaantok pa ako. wala naman siyang sinabi kaya umalis na kami ni liel at dumiretso sa mismong room na assigned samin. By batch and section kasi ang nangyari dito at buti nalang sabay kami nag enroll ni liel kaya magkasama kami. 


"Good morning class and welcome to Mind Power Review Center! I know each one of you have your own reason kung bakit kayo nandirito ngayon and I want you to think of that reason as we go through this set up." panimula nung teacher ata or ewan kung ano ba tawag don hindi nako nakinig dahil inaantok pa talaga ako and i know naman na makikinig si liel. 


Habang may sinasabi pa si ma'am alfero, yun daw ang itawag sakanya eh may bigla nalang kumatok nagulat pa ako nang pagbukas ng pinto bumungan si Ranch! omg is he looking for me? charot 1/2 

"Good morning ma'am sorry to interrupt but here's the handouts you were asking for" sabi ni Ranch habang seryoso lang na nakatingin kay ma'am! grabe naman isang buwan ko lang siyang hindi nakita tapos parang bigla siyang namayat pero ayun pa rin naman ang maputla niyang kulay. Pagkatapos niya akong guluhin nung gabing yon at anong sabi niya? magkikita daw kaming madalas? eh 1 month ko nga hindi nakita! hays why do i sound like a jealous girlfriend amfee ko talaga! amfeeling! 


kakadada ko sa utak ko ay hindi ko napansin na nakaalis na pala siya! that guy! pero hindi naman siya ang ipinunta ko dito nakakapagtaka lang na kilala siya ni ma'am. 


The day went out fine and we made some new friends actually uwian na naman and tulad nga ng sinabi ko may bago kaming friends ni liel at saka nga pala yung marupokpok kong friends ay sa iba't-ibang batch napunta! akala ko pa naman kasama ko rin sila ngayong bakasyon. 


Kumakain kami sa may sisig house malapit grabe favorite ko talaga to! napansin ko na andito rin si Ranch! ang laki laki ng UPLB bakit lagi ko siya nakikita and wait? he's wearing a uniform but hindi pang UP Student kundi katulad nung service crew sa sisig house! omg ang sipag naman niya tsaka hindi ba dapat nag-aaral siya sa mga oras na ito? Buti nalang hindi niya kami napapansin dahil madaming tao ang kumakain. 


























Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Poem I Can Never ReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon