CHAPTER 01

21 0 0
                                    

LOVE AND PAIN

Written by NalynVaishnavi

—CHAPTER 01

FEL'S POINT OF VIEW

"Yes mom?"sagot ko sa kabilang linya, tumawag kase si Mommy habang nakaupo ako sa couch dito sa kwarto ko at deritsong nakatingin sa wall clock na nandito.

"Fellllllllll!"Nailayo ko sa tenga ko ang phone ko dahil sa ingay na pumasok hanggang sa pinakailaliman ng eardrums ko. Ayan na naman si Mommy at sobrang ingay, palagi siyang ganyan sa tuwing tumatawag, iniisip ko nga lagi kung may ibabalita ba siyang maganda o nakakatuwa dahil ganyan siya ka energetic kapag tinatawagan ako.

Nang wala na akong naririnig na tili sa kabilang linya ay ibinalik ko na ang pagkakatapat ng phone ko sa tenga ko bago ako nagsalita. "Mom ganyan na lang ba talaga ang salubong mo sakin lagi?"sabi ko habang deritsong nakatitig sa wall clock at patuloy ang pagsulat ko ng mga oras na dumadaan sa notebook ko na nakapatong sa hita ko, naka Indian seat ako sa couch at deritsong nakatingin sa wall clock habang nakasandal ang likod ko sa sandalan ng couch.

Narinig ko ang tawa ni Mommy sa kabilang linya. "Sorry baby Fel na miss lang talaga kita"sabi niya at narinig kong bumuntong hininga siya bagonagpatuloy sa pagsalita "bakit ba kase hindi ka nalang pumunta dito, nandito naman kami ng daddy mo ah, at isa pa wala kang kasama diyan maliban sa mga kasambahay natin"nawala ang saya sa boses niya nang sabihin niya yon.

Bumuntong hininga ako bago inilapag ang ballpen ko sa ibabaw ng notebook ko at tsaka itinuon ang buo kong atensyon sa kausap ko."Mom diba napag-usapan na natin ito, noon pa mom at habang hindi---

"habang hindi pa sya bumabalik hindi ka sasama samin dito, paulit ulit mo naman yang sinasabi Fel eh"putol at pagpapatuloy niya sa sinabi ko.

Napangiti ako. "Alam nyo naman po pala pero kahit paulit ulit ang sinasabi ko mom, pinapanindigan ko ang sinabi ko sa inyo"sabi ko

"Pero Fel, baby dalawang taon na ang nakalipas pero wala, wala paring bumabalik diba?"aniya alam kong nakasimangot si Mommy ngayon, kabisado ko na ang ugali niya.

Nakaramdam ako ng lungkot, dahil tama si mommy, dalawang taon na ang lumipas at dalawang taon narin akong naghihintay. Huminga ako ng malalim, bago ako nagsalita, "mom, kaya kong maghintay kahit ilang taon pa yan"sabi ko ng may mapait ba ngiti sa labi at nilingon ang calendar na nakasabit sa pinto ng kwarto ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mommy sa kabilang linya."Fel baby, kahit kailan ay hindi ko hiniling na maging guard ka balang araw"sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

Natawa ako ng bahagya, "at ano namang koneksyon ng guard sa pinag-uusapan natin mom?"takang tanong ko bago ako tumayo at naglakad patungo sa calendar na nasa pintoan ng kwarto ko at tinignan ito, marami na akong binilogang date doon na mahalaga at memorable sakin, samin.

"Eh kase alam kong nag pupuyat ka gabi-gabi sa kakahintay sa tawag niya na malabo namang mangyari, dahil dalawang taon na kayong walang communication sa isa't isa"sabi niya kaya bahagya akong natigilan"oh natahimik ka dahil totoo diba?"dagdag pa niya.

Napairap ako. "Mom?"saway ko sa kanya bago ako bumalik sa couch.

Bumuntong hininga siya. "Sige na nga pero kapag may kailangan ka o may nararamdaman kang sakit wag mong kalimutang tawagan kami Fel okay?"sabi ni Mommy.

Nakangiti akong tumango na para bang nakikita niya. "Yes mommy don't worry"sabi ko at umupo sa couch.

"At last, magtino ka sa pag-aaral mo okay at wag puro orasan ang titigan mo"sabi niya.

Love and Pain (ON GOING)Where stories live. Discover now