Bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin sa guitar na hawak ko bago ito inayos sa pagkakapatong sa hita ko at sinimulan ko na ulit tugtugin ang kantang tinugtug ko kanina kasabay ng pag-strum ko ng guitar ay ang pagkanta ko ng lyrics nito.~When I am by myself
Looking at photos and videos
That we took
I've been keepin' them for so long
And with my broken heart
I see all the pictures of myself
Living life without you just feel so wrong
Habang kinakanta ko ang kantang yon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na maalala ang araw na nagpaalam siya sakin...
Flashback
"Fel can we meet?"deritsong sabi ni Larry nong sagutin ko ang tawag nya.
Napangiti ako sa mga katagang sinabi niya dahil ilang araw na din kaming hindi nagkikita, "sure why not" sabi ko ng may ngiti sa labi pero nagtataka lang ako kung bakit ngayon niya na isipang makipagkita. Hindi siya yung tipo ng lalaking isasama ako sa ganitong oras, medyo madilim na at alam kong hindi siya nakikipagkita sakin ng ganitong oras, hindi kami nagkikita ng gabi, pwera na lang kung may party kaming dadaluhan or something.
"Okay then"aniya, nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa lamig ng boses niya.
Pilit akong ngumiti, "would you--
Pinutol niya ang sasabihin ko"I can't fetch you, I'm sorry"sobrang lamig ng boses niya.
Nawala na ng tuloyan ang ngiti sa labi ko dahil sa lamig ng boses niya at dahil na din sa mga katagang binigkas niya, napalitan ng mapait na ngiti ang matamis kong ngiti kanina "no it's fine, okay see you then? I love you"sabi ko
"Hm. B-bye"tango niya at pinatay ang tawag. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano pero parang may mali sa ginawa niyang pagbaba ng tawag at parang may kulang sa huling salitang binitawan niya. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya, I feel something odd, hindi ko alam pero parang kinirot nito ang puso ko.
Nagbihis na lang ako at agad na pumunta sa lugar na tenext niya sakin, sa amusement park. Kahit papano parang nakaramdam naman ako ng saya't tuwa at mas nangibabaw ang excitement sa puso ko lalo na sa katotohanan na gustong gusto ko na siyang makita. Dahil isang linggo din kaming hindi nagkita dahil may family problem daw siyang inaatupag at gusto niya munang may masandalan ang mommy niya kaya hindi muna kami nagkita.
Nang dumating ako ay naabutan ko siyang nakaupo sa isang bench, medyo madilim nadin ang buong paligid at tanging ang mga ilaw nalang dito sa amusement park ang nagsisilbing liwanag namin. Naglakad ako patungo sa deriksyon niya. Nang maramdaman nya ang papalapit na presensya ko ay nilingon niya ako at agad na tumayo.
Nang makalapit ako sa kaniya ay niyakap ko agad siya ng may ngiti sa labi, "I miss you,Larry" sabi ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sakin, "I will miss you"sabi niya na nagpakunot ng noo ko.
Humiwalay ako sa yakap sa kaniya at kinapa ang noo at leeg niya "are you sick or something?"takang tanong ko, yakap niya parin ang bewang ko, na para bang ayaw niya akong mawala o pakawalan.
He chuckled, but there's something on his eyes na hindi ko alam, parang malungkot siya pero nakangiti parin sakin "sana nga Fel may sakit lang ako"
Tuloyan na akong humiwalay sa yakap namin, tinignan ko ang mata niya na agad niya namang iniwas na may ngiti sa labi. Pero ang ngiting yun ay may halong lungkot na hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag kung saan nag mula,"don't stare at me like that"aniya
YOU ARE READING
Love and Pain (ON GOING)
Teen FictionPaano kung sayo ibinigay ang kapalaran na makabangga ang isang lalaking wala namang ibang ginawa kundi ang ipahiya ka sa harap ng maraming tao, asarin ka araw-araw, saktan ka sa oras na gusto niya at sigaw sigawan ka sa oras na na nanahimik ka? Hand...