CHAPTER 03

6 0 0
                                    


Sa dalawang araw na nagdaan ay nasa loob lang ako ng bahay,paulit ulit lang ang gawain ko, kapag nabobored ay tumutugtug lang ako sa music room at mas nagiging boring pa ang araw ko dahil puro malulungkot lang na kanta  ang tinutugtug ko, wala akong gana para magsaya sa araw na nagdaan at heto ako ngayon at inihahanda ang kama ko para makatulog na at bukas na ang unang araw ko sa Dunan at gusto kong maging memorable din yon kagaya nong naging unang araw namin ni Larry sa Highschool noon, pero hindi ko maitatanggi sa sarili ko na hindi iyon magiging malabo, dahil ang totoo ay sobrang labong maging memorable pa ang magiging unang araw ko dahil simula nong umalis siya wala ng araw na naging memorable para sakin. Lahat na yata ng araw na dumaan sakin ay parang ihip lang ng hangin, hindi ko makita doon ang saya pero nagiging dahilan parin yon para mabuhay ako, mabuhay kahit hindi na ganon kasaya ang bawat oras at araw na dumadaan sa buhay ko, pero sana maging memorable na ang bukas ko, kahit bukas lang sana, kahit mukang malabo man. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko at isinara ang mga bintana at kurtina sa kwarto ko, nagpunta ako sa switch at pinatay ang Chandelier na nagsisilbing liwanag ng buong kwarto ko bago ako bumalik sa kama at humiga na, nakatingin lang ako sa kisame na na wala ng liwanag na nagmumula sa ilaw at tanging kadiliman lang ang nakikita kong bumabalot dito.

Ilang sandali lang ang lumipas ay unti unti na akong kinakain ng antok at bumabagsak narin ang mata ko, hanggang sa tuloyan na akong kainin ng kadiliman, binalot narin ako ng kaantokan at hindi ko na namalayan ang sarili ko na tuloyan na pala akong nagpakain sa dilim at nakatulog ng mahimbing.

------KINABUKASAN------

Naalimpungatan ako sa liwanag na tumama sa mukha ko kaya naimulat ko ang mata ko at doon ko nakita si Manang Helyn na binubuksan ang bintana, "sabi ko na nga ba at ito lang ang makakagising sayo"sabi niya nang maramdamang gising na ako.

Umupo ako sa kama at inaantok na tinignan siya, "bakit ang aga nyo ho yata akong gisingin?"takang tanong ko bago iniunat ang kamay ko.

Naramdaman kong nilingon niya ako,"kanina pa kita kinakatok kaya kinuha ko nalang ang isang susi ng kwarto mo para buksan ang pinto at makapasok dito"sabi nya "At isa pa iha anong maaga eh lampas alas syete na kaya at diba ngayon ang unang araw mo sa lilipatan mong unibersidad?"dagdag nya.

Natigilan ako sa ginagawa kong pag unat at gulat na napatingin kay Manang Helyn"Shit!"I whispered to my self and took a glance at my clock na nakapatong sa night stand na nasa gilid ng kama ko,

Lampas alas syete na nga talaga shit!

Agad akong nagmamadaling tumakbo sa banyo, narinig ko pa ang huling salitang sinabi ni Manang Helyn bago ako tuloyang makapasok sa Banyo, "baka madulas ka sa pagmamadali mo, nako iha mag-ingat ka!"sigaw niya na binalewala ko na lang at agad na binuksan ang shower at ibinabad ang buo kong katawan dito, wala na akong sinayang na oras nang matapos akong makaligo at agad kong isinout ang robe ko bago lumabas ng banyo at dumeritso sa closet ko at kumuha ng masusuot ko "bumaba ka nalang kapag tapos kana,"sabi ni Manang bago tuloyang lumabas sa kwarto ko, kagaya ng kanina ay wala akong sinayang na kahit segundo at agad na nagbihis, sobrang nakakahiya kapag na late ako tapos unang araw ko pa naman ngayon bilang transferee.

Agad kong kinuha ang bag at phone ko na nakapatong sa couch dito sa kwarto ko matapos kong suotin ang white shoes ko, wala pa ang uniform ko dahil mamaya pa daw ito ibibigay sakin kaya simpleng tshirt lang na kulay pitch ang sout ko at pantalon na komportable ako.

Bumaba agad ako at naabutan ko si Manang na may katawag sa telepono, nang makita niya ako ay may sinabi siya sa katawag niya bago ito ibinaba, "Mommy mo"aniya, sinasabi kung sinong tumawag.

Tumango lang ako at akmang maglalakad patungo sa front door nang magsalita siya,"oh saan kana pupunta?"tanong niya

Nilingon ko siya,"Papasok na ho"sagot ko

Love and Pain (ON GOING)Where stories live. Discover now