Chapter 3

62 5 2
                                    

CLIFFORD

"Yes, 'lil sis?" Tanong ko pagkasagot ng phone.

"Itapon mo na 'yang phone mo. Tss. Where are you? Kanina pa ako tumatawag kuya ano ba?! Kanina ka pa hinahanap ni Dad." Sigaw nito mula sa kabilang linya. Inilayo ko mula sa tenga ko ang telepono dahil baka masira pa pandinig ko.

"Kasama ko si Dash, pasabi kay Dad." Sagot ko sabay end ng tawag. Badtrip na naman 'yung kapatid ko, bahala na. Pfft! Nag-ikot ako ng tingin, ang daming high ranking officer ang nandito ngayon ah.

Lumakad lakad ako palayo, mamaya na ako babalik sa loob dahil mukhang waiting game pa si Dash. Nauuhaw ako kaya bumili muna ako ng tubig sa mini mart nila.

Umupo muna ako sa isang stool malapit sa charging port dahil lowbat na pala ang phone ko. Ilang araw ko 'ding hindi na charge.

Magkakalahati na ang pag-inom ko sa bote ng tubig nang makita ng aking mata si Reynard na may kausap na chicks.

Lintek! Kahit saan walang patawad 'tong ugok na 'to.

Mamaya na pala ako magcha-charge. Lumabas na ako at tinunton ang daan papunta sa kung nasaan si Reynard.

REYNARD

Lumabas muna ako dahil magyoyosi. Ewan, parang kumakalma ang utak ko sa yosi. Pfft. Hindi naman ako adik sa pagso-smoke, nakasanayan lang.

Nakita kong lumabas si Clifford sa sasakyan niya. Nang lumapit siya at binati ko ito ng fist bump.

"Yo. Ikaw na muna sa loob. One stick lang." Sabi ko.

"Tol, naaawa na ako sa baga mo. Buhay pa ba sila?" Saad nito.

"Gago. Healthy living ako parekoy." Sagot ko.

"Halata nga." Sabi nito habang umiiling. "Ge, pasok na 'ko." Sabay tapik sa likod ko. Taena.

Lumapit ako sa isang police.

"Boss, san dito pwedeng mag yosi?" Tanong ko.

"Dun ka sa sulok bata." Sagot nito habang tinuturo kung saan pwede. Pakinshet, kasukdol-sukdulan nga.

"Salamat, boss." Sabay salute ko. Naglakad na ako papunta sa sulok, kung sulok man itong maitatawag. Ang layo shet.

Nang makarating ay umupo ako sa isang ugat ng acacia. Kumuha ako ng isang stick at kinapkap sa bulsa ko ang lighter. Langya! Hindi ko mahanap. Tumayo ako para makapkap ang bulsa sa likod ko, wala din. Anakng!

"Here." Napatingin ako sa isang kamay na nag-abot ng grill lighter. Pfft. Magluluto ba ako?

"Salamat, miss." Sabay taas ng tingin. Uy chicks. Chicks naman mga babae sa guild namin pero chicks din 'to.

"Do you smoke with this?" Tanong ko sabay abot ng grill lighter.

"Nope. I'm the station's head cook. Saktong napadaan lang ako at nakita kita." Saad nito sabay ngiti. Cute.

"Reynard." Pagpapakilala ko.

"Rein." Sagot nito sabay abot sa kamay ko.

"So, matagal kana dito?" Tanong ko.

"Hindi naman. Ako muna ang pumalit sa head cook dahil may sakit." Sagot nito. I see.

I lit up my cigarette. "Salamat." Ani ko sabay abot ng grill lighter.

"Walang anu-"

"Woah woah woah. Ang layo naman ng narating mo bro." Sabi ng isang tukmol sabay akbay sakin.

"Hi, miss. Clifford." Pagpapakilala nito sabay abot ng kamay.

Ngumiti lang si Rein dito.

"I'll get going." Paalam nito. Tumango lang ako bago niya kami tuluyang iwan. Itong si Clifford halatang naguguluhan sa nangyayari.

Behind the Codes: UnravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon