PENELOPE
Nang nakapasok na ako sa loob, hindi ko na nakita ni Anino 'nung tatlo. Dumako muna ako sa sulok kung saan naroon ang log book para makapasok.
"Pangalan at ID." Tanong ng isang guwardya pagkarating ko palang.
Kinuha ko ang passport ko sa bag at ipinakita ito sa kaniya. Tinitigan niya ito at ibinaling ang atensyon sa log book.
"Pwede ka nang pumasok. Isang oras." Sabi nito.
Sumaludo muna ako bago umalis. Dumiretso na ako sa detention cells. Ang dami pala, sa dinami-rami ba naman ng krimen sa bansa, kulang na kulang kami. Tsk.
"I came to see Mike Perillo." Sabi ko sa nakabantay na NBI agent.
"Can I see your visit request?" Tanong nito.
Aw shit.
"Actually meron akong kasama, pinauna lang ako." Sagot ko.
"Sorry pero hindi ka namin pwedeng papasukin. Visit request is a must." Sabi nito habang nakaharang parin sa pinto.
"Kasama ko--"
"She's with us." Putol na sabi ng kaibigan ni Dash na kalalabas lang mula sa kabilang kwarto.
Bumaling naman ng tingin dito ang guard.
"Kasama niyo pala siya, Sir Clifford. Pasensya na hindi ko alam. Pwede na kayong pumasok, miss." Sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto. Pagpasok ko sa isang kwadradong kwarto ay nakita kong nakaupo si Mr. Perillo habang naka blindfold.
"Lahat ng ginagawa niyo ay nakikita sa labas. Makikinig kami sa usapan." Pag-eexplain nito sa'kin.
"Thank you pero I don't consent with you listening to our conversation. It's quite -- confidential." Sabi ko.
Tumingin muna ito sa lalaking tumatambay sa labas na biglang tumango.
"Areglado, miss." Ani nito sabay sarado ng pinto.
Nag buntong hininga muna ako at nag ikut-ikot sa paligid.
"Sino ka?!" Tanong ng nakagapos na si Mr. Perillo.
"I'm just a nobody." Sagot ko habang nag-iikot pa din.
"You bitch! You can't extract any information from me!" Sigaw nito habang nireresist ang pagkakagapos sa kanya.
"Really? I'm not a good negotiator sabi nila." Sabi ko at umupo na sa upuang nasa harap nito.
Naaalibadbaran ako sa nakataling tela sa mata nito kaya tumayo muna ako at inalis ito. Hinintay ko munang maka-adjust ang mata nito sa liwanag bago ako umupo ulit.
"The NBI is really dumb para magpadala ng isang bata. Are you here to seduce me to death?" Tanong nito habang nakangisi.
I smirked. In your fucking dreams, pedophile!
"Did your containment rusts your already tainted brain, Mr. Perillo?"
Tinaliman lang ako nito ng tingin.
"Ayoko nang magpaliguy-ligoy pa. Who is the person behind the death threats that Ms. Aaliyah is receiving?" Direktang tanong ko.
Tumawa lang ito ng malakas.
"Anong akala mo sakin? Bobo? Wala kang makukuha sa'kin, bata!" Angil nito at tumawa ulit.
"Okay. Mabilis akong kausap. 'Yung asawa at anak mo nalang kaya sa Texas ang tanungin ko?" Nakita ko sa mata nito ang gulat. "Hmm? What interview do you prefer for them? Should I skin them alive? Or let them watch your crimes? You have blocked all local news into reaching them right?" Pumeke muna ako ng buntong hininga bago tumayo. "Aalis na ako, I need to book a flight. Tutal, wala din naman akong makukuha sayo." Naglakad na ako papunta sa pinto.
BINABASA MO ANG
Behind the Codes: Unravel
Mystère / ThrillerThere's always a secret behind every crime. There are evidences that can't be seen by the eye of a humdrum. Figures that needs to be analyzed. Codes the needs to be revealed. Will they be able to unleash the true side of the story and unravel the tr...