Gaya ng utos ni Russel, humiwalay si Cael sa amin nang matapat kami sa National Book Store. Tumango lang siya sa akin bilang paalam, kaya tinugon ko rin ito ng tango.
How I wish I wore my hoodie just so I could hide my face with the embarrassment I'm feeling when we're infront of the book store. The three ahead of me is still walking, not minding the obvious stares of the crowd. Well, except Klaus who is winking to every girls his eyes could reach.
Quin told us that he needed to buy something in the department store so we do not have any choice but to accompany him.
Nakasunod ako sa kanila. Hindi rin naman ako makakaalis dahil ang mga gamit ko ay na kay Cael. Wala rin akong lugar na pagtatambayan dito kaya mas mabuting sumunod na lang ako sa kanila. Hindi rin naman nila ako masyadong pinapansin dahil hindi rin naman ako nagsasalita sa tuwing may sinasabi sila.
Naisip kong tumingin na rin ng bag dahil sakto at dito rin pala ang punta ni Quin. Marahil ay bibili rin siya ng gagamitin para bukas.
Saglit kaming naghiwa-hiwalay upang magkaroon ng oras mamili para sa sarili. Hindi naman ako mapili sa mga gamit tulad nito kaya nang may magustuhan akong bag ay kinuha ko na. Si Cael na siguro ang bahala sa mga nasa listahan kaya hindi na dapat ako mag-alala. Dumiretso ako sa counter 5 at nadatnan doon si Klaus na nakapila.
Pasimple pa siyang kumikindat sa babaeng maikli ang buhok, matangkad, maputi at balingkinitan ang katawan, sa di kalayuan. Siya na ang susunod sa pila kaya nalipat naman ang atensyon niya sa maganda ring kahera na nasa harapan.
Hindi muna niya binigay ang bag na dala at kinausap ang kahera. Hindi ko rinig kung ano man ang sinasabi niya ngunit natitiyak kong nakakatuwa iyon base na rin sa tawa ng babae na tinatakpan pa ang bibig upang itago ang ngiti.
Luckily there is no one next to him.
Pumila ako sa likod niya at hinintay na matapos ang pakikipagtawanan niya sa babae. Hindi yata nila namalayan na may kasunod na sa pila kung kaya inuubos nila ang oras sa pinag-uusapan.
Hindi na ako nakatiis. Maraming minuto na ang lumipas at nasayang. I don't have any choice but to tap his shoulder. He slightly jump as he was startled for what I did.
Napaharap siya sa likuran, at bahagyang nanlaki ang mata nang makita ako.
"Oh shit! 'Wag mo naman ako gulatin, babe!" napahawak pa siya sa puso niya habang nakatingin sa akin.
Sa lahat ng nagugulat pagkakita sa akin, at sa lahat ng bahagyang natatakot sa aking mukha, hindi man lang ako nakaramdam ng pagkahabag sa naging reaksyon niya.
Kaunting umangat ang aking labi para sa munting ngiti pero hindi ko tinuloy. Hindi rin naman niya ito napansin.
"Hala sorry! Kanina ka pa diyan?.... Teka..." Madali niyang inilapag ang bag na bibilhin sa counter, binigay ang bayad at muling tumalikod upang humarap sa akin.
Ang akala ko ay makikipag-usap muna siya sa magandang babaeng kahera ngunit hindi na niya ito pinansin. Masama namang tumingin sa akin ang babae habang inaasikaso ang gamit.
"Anong binili mo?"
Masasabi kong likas na palangiti itong si Klaus kahit na sa kaninong kaharap. Pruweba na roon ang ngitian at tawanan nila ng babaeng kanina lang ay pinagtutuunan niya ng atensyon.
Tinaas ko ang bag na hawak ko. "This. For school."
"Ay oo nga pala sa UB ka din! Anong course mo doon?"
Hindi pa ako nakasasagot ay tinawag na siya ng cashier. Binigay sa kaniya ang malaking paper bag at ang sukli sa kaniyang bayad. Nagpasalamat naman siya dito, hindi na muling inalayan ng ngiti, at basta na lang gumilid upang makaraan ako. Nakangiti naman siya sa akin nang ako naman ang naglapag ng bag sa counter.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
General FictionOur life is like a canvas. We used to put colors in order to create a masterpiece. Paint it with various shades, use different strokes, to set out the desired image. However, my canvas is dull. My masterpiece was never been made with a sudden bliss...