It was past seven o'clock when I woke up. Mahaba din ang naging tulog ko at hindi ko pa nagawang ayusin ang mga gamit.
Binuksan ko ang maleta at unang inilabas ang mga damit. Karamihan sa mga ito ay pare-pareho lang ng kulay. Naglalaro ang mga kulay nito sa itim at gray. Nilagay ko ito ng maayos sa malaking cabinet. Hindi naman nito nagawang sakupin ang buong espasyo ng cabinet dahil kaunti lamang ang mga ito.
Sumunod kong inayos ang apat na pares ng sapatos. Isang doll shoes, boots, rubbershoes at isang tsinelas. Siguro bibili na lang ako ng pambahay na sapin sa paa, bukas o sa makalawa. Nilagay din pala ng mga magulang ko sa maleta ang ilang gamit ko sa pagpinta. Even though they support me with this, they don't usually like my work.
Well except Klio... he would always compliment how amazing and beautiful my art was.
My mom and dad, on the other hand, will buy me stuffs for this matter but when they found out what I am sketching they will always shook their heads and sighed in disbelief.
What is wrong with bloody stuffs? I find it cute and somehow, I feel alive.
"Akisha? Gising ka na ba, iha?"
I stopped fixing my things when I heard a knock. It should be the old lady from earlier.
Tumayo ako at naglakad para mabuksan ang pinto. Hindi ito gaanong nakabukas at tanging ang kalahati lang ng aking mukha ang kita niya.
"Halina sa baba at kakain na tayo ng hapunan." The old lady is smiling from ear to ear.
"Busog pa ho ako."
"Ganon ba, iha?... Maaari ba akong pumasok?"
Nagdalawang isip muna ako kung papapasukin ko ba siya o hindi. Ngunit sa huli, binuksan ko ng mas malaki ang pinto at naunang naupo sa kama. Sumunod naman siya at sinara ang pinto. Nabalot kami ng kadiliman at tanging lampshade lamang ang nagbibigay sa amin ng liwanag.
Umupo siya sa kaharap na upuan at masuyo akong tiningnan. Sa liwanag ng lampshade, nakita ko kung paano saglit lumibot ang kanyang mga mata sa buong kwarto bago ito muling tumitig sa akin.
"Ako nga pala si Cecilia Cardinoza, sa akin ang buong bahay na ito. Ang mga tenants na narito ay tinatawag akong Granny... Walang kaso sa akin kung iyon din ang nais mong itawag sa akin."
Granny?
I remember the game I used to play back then. You need to finish the quest while hiding to granny. Because when she caught you, it's the end of your life.
"Hindi naman ako mahigpit dito sa loob ng bahay dahil lahat ng tenants na narito ay kakilala ko. Hindi ko nga alam kung dormitoryo pa ito dahil ang apo ko at mga kabarkada niya lamang ang natira dito..." napailing siya ngunit makikita sa kaniyang labi ang isang munting ngiti. "...Kasalukuyang silang kumakain sa baba." She smile once again and pick up the pencil from the floor.
Nalaglag ata ito kanina habang nag-aayos ako.
"Ang agahan, tanghalian, at hapunan ay kasama sa binayaran ninyo. Ako ang nagluluto nito at masisiguro ko sa'yong maipagmamalaki mo ang luto ko. Tutunog ang malaking orasan para sa oras ng pagkain. 7 am, 11:30 pm, at 7:30 pm." Nilapag niya ang lapis sa lamesa dahilan para makita niya ang isa sa mga iginuhit ko.
Hindi ko alam kung kukunin ko ba ito sa kanya o hahayaan siyang pagmasdan ito. I couldn't move my body as I watch the old lady, silently observing my work. It was one of my first work when I first started painting. The half face of a woman was not smiling, a tear from her left eye is also evident and she is wearing a hoodie that could cover her face from other's point of view. The other half of the face is a skull, a skeleton of her body, with a red dry rose on her right hand, very opposite from the other part.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
Ficção GeralOur life is like a canvas. We used to put colors in order to create a masterpiece. Paint it with various shades, use different strokes, to set out the desired image. However, my canvas is dull. My masterpiece was never been made with a sudden bliss...