Why do I get this feeling that their answer is exactly the opposite?
Ang dalawa pang lalaki ay kapwa tahimik. Nanatiling nakatingin sa labas ng bintana ang isa, at ang isa ay kunot-noo pa rin kung pagmasdan ako.
"Very well, then..."
"Keisha, that young man is Cael. Sadyang tahimik lang siya ngunit sa aking pagkakakilala ay mabait naman." Tinuro ni Granny ang lalaking kanina lang ay nakatingin sa bintana.
Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi sa narinig na pahayag ng matanda. Tumango lamang ito sa akin.
"Iyang dalawang maingay at masakit sa tainga ay si Quin at Klaus."
"What? Grabe naman pakilala mo samin Granny!" Nakasimangot na sabi ni Quin bago bumaling sa akin. Ngiting-ngiti naman niya akong hinarap at inilahad pa ang kanang kamay.
"Quin Denver Serrano at your service, ma'am!"
Pataas-taas pa ang kilay nito habang hinihintay ako na makipagkamay.
Nang mapansin niyang wala akong balak na ilahad ang kamay, pasimple siyang kumamot sa ulo dahilan para humagalpak ng tawa ang kaniyang katabi.
"Hahahahaha ano ka ngayon, Quin..." sa akin naman siya tumingin at ngumisi.
He's really beautiful, if you do not mind the smirk on his face.
"Ambrean Klaus Barsaga is the full name, madam. Clauss for short. And Mine for a one night stand."
Oh.
A playboy.
Kunwa'y umubo-ubo si Quin sa pahayag ng kaibigan. Masamang tingin naman ang binigay sa kaniya ni Russel.
"Aray Granny joke lang eh!" Kinurot siya ni Granny sa tagiliran at pinalo-palo ang balikat nito. Tawa naman nang tawa si Quin sa nangyayari.
"Pigilan mo ang bibig mo sa harap ko, Ambrean."
Gusto ko nang pumanhik sa kwarto.
"Russel, ikaw naman! Nakakunot agad ang noo mo, naudlot lang ang pagkain." mahinang tinulak paabante ni Quin ang kaibigan. Masama pa rin ang tingin nito.
"Stop it, Quin. I'm not in the mood." Matapos sabihin ito ay tumalikod na ito sa amin at naglakad paakyat.
"Bad mood nanaman ang loko" Si Klaus.
"Granny saan ba pinaglihi ang apo niyo?"
Sa sinabi ni Quin ay napatingin ako sa matanda. That is why I could see some resemblance on their faces. His and Granny's eyes are very much alike. Only that Granny's eyes look much softer than his grandson's. Their lips also show similarity but I think Russel only gives smirk and frown unlike her grandmother who always has a tender smile.
"Pagpasensyahan mo na ang apo ko, Keisha. Mainitin lang talaga ang ulo noon pero may tinatago naman iyong bait kahit papaano." Kahit siya ay hindi alam kung tama ba ang sinabi dahil kumunot ng kaunti ang kaniyang noo. Tila ba nag-iisip kung may tinatago nga bang bait ang apo.
"Nako, Ny! Asan ba iyong bait na tinatago ng apo niyo? Ilang taon na naming hinahanap 'yan ha!"
"Tara, Quin hanapin natin! Baka nasa mga pinakatago-tago kong mga magazine"
"Walangya ka, Clauss! Manyak ka talaga! Tara nga, at baka andoon nga hahahaha"
Sabay silang nawala sa aking paningin. Iyong nagngangalang Cael ay wala na rin rito. Hindi ko napansin ang pag-alis niya, marahil kanina pa siya wala nang umalis ang apo ng matanda.
BINABASA MO ANG
Against All Odds
Fiksi UmumOur life is like a canvas. We used to put colors in order to create a masterpiece. Paint it with various shades, use different strokes, to set out the desired image. However, my canvas is dull. My masterpiece was never been made with a sudden bliss...