*Kaguluhan 18*

1.8K 112 6
                                    

Adam Reyes

"Anak ng?! Tanga ka ba? Kapag ita-times ang zero sa kahit anong numbers ay zero pa rin ang sagot," maktol ni Iguel na parang kaunting kalabit na lang sa kaniya ay makakasapak na.

Napakamot naman ng ulo si Dino habang ngumunuya ng inihandang meryenda ng mama ni Jenny. "Aba, zero pala ang pinaka-makapangyarihan na number sa mundo," ngumiti pa siya ng pilit kaya nagmukha siyang tanga.

"Ang sarap busalan ng ballpen yang bibig mo Dino, puro ka pagkain, pati pagta-times hindi mo pa nagawa," pagsabat ni Eyan na nakaupo sa sofa nina Jenny at prenteng nagbabasa ng libro.

Ang masasabi ko lang, may himala! May himala talaga, sa section Z!

"Sabi naman kasi, baka mabigla ang utak namin," umiling-iling na sabi ni Sean habang ini-ikot ikot ang ballpen sa gitna ng mga daliri. Nakatanggap tuloy siya ng batok mula sa tutor niyang si Hale.

Kahit papano naman kasi ay may matalino sa amin, si Iguel, Klea, Hale at Gavin ang tinutukoy ko.

"Paanong hindi mabibigla e nangalawang na yan dahil hindi niyo laging ginagamit," ismir na wika ni Hale kaya nagtawanan ang nga babae sa sinabi niya.

Akala naman ng mga babaeng 'to nag-aaral sila ng maayos. Eh lumalandi rin naman sila, at talagang nakakamangha dahil yung mga bibigating lalaki pa talaga sa school na'to ang bini-biktima nila? Di na nahiya.

"Ikaw Hale, yang bibig mo ang talas rin," nagkunwari akong umiiyak habang nakasubsob sa dibdib ni Yuan. Naramdaman kong naki-sakay sa katarantaduhan ko si Yuan at tinapik-tapik ang ulo ko.

"Hala ka Hale! Pina-iyak mo si Adam, my bebe," muntik pa akong tumawa ng malakas sa sinabi ni Yuan. Ang gago, bwisit!

"Tang*na niyo!" hiyaw ni Hale.

"Shhh," pagsaway ni Jenny at may panibago na namang set ng pagkain. Umayos na ako ng upo at saka dumampot ng fries sa center table.

"Wag nga kayong magmura dito, mahiya-hiya naman tayo kina Tita Jina," sita ni Elise habang may hawak na libro.

Ngayon ko lang napansin, hindi pala bagay sa amin ang mag-aral ng ganito. Mukha kaming trying hard, pvta.

"Pwede bang bukas na lang natin ituloy ang pababagong 'to? Antok na antok na ako at kanina pa text ng text si Mama," pagsingit ni Henry.

"Weh? Panong antok?" pang-aasar ni Kian kay Henry at inambaan lang siya ng sapak nito.

"Sige, sige. Bukas na lang," pagsang-ayon ni  Vicca kaya agad kaming nagtayuang mga lalaki.

---

Kakarating ko lang dito sa school. Medyo marami na rin ang estudyante dahil marami naman talagang nag-aaral dito.

"Hello kuya?" nagitla ako sa biglaang pagsulpot ng isang babae na mukhang nasa lower grade pa.

Nakangiti siya ng malapad kaya medyo nailang ako. "Bakit ineng?" pagkabanggit ko pa lang ng 'ineng' biglang nawala ang ngiti niya.

"Kuya tatlong taon lang naman ang tanda niyo sa akin, wag niyo na po akong tawaging ineng," nakasimangot niyang sabi.

Kumunot ang noo ko. "Kaya nga. Matanda pa rin ako sa'yo kaya pwede kitang kawaging ineng saka tinatawag mo nga akong kuya e." sabi ko pa. Lalo lang siyang sumimangot at pabatong ibinigay sa akin isang nakatuping papel.

"Ano 'to?" nagtataka kong tanong habang hawak-hawak yung papel.

Tumaas ang kilay niya at inirapan pa ako. "Papel malamang," Aba't! Kung ka-grade ko lang 'to, pepektusan ko 'tong kutong lupa na'to.

Section Z | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon