*Kaguluhan 31*

1.5K 102 8
                                    


Nena Zios

"Ano Jenny, may gunting ako dito sa bag. Bagong hasa pa," tumawa ako habang nakatingin kay Jenny, hawak-hawak niya ang sintido at mukhang hindi pa nasusuklay ang basang buhok.

Tiningnan lang niya ako ng masama saka ipinatong ang ulo sa balikat ni Adam na siyang nasa tabi niya.

"Ang sakit ng ulo ko," reklamo niya.

"Mas masakit kapag walang ulo," pagsabat ni Iguel na mukhang kakabili lang ng bagong relo sa kamay.

"Sana all may ulo," sabi naman ni Kian.

"Ang ulo ng sakit ko," si Yuan naman sumabat.

"May ulo din ako pero hindi masakit," sabi ni Sean at saka nagkibit balikat.

"Dalawa ang ulo ko," sabi ni Paul. Bwisit!

"Tanggalin natin?" tanong ni Klea.

"Sabi nila gamot daw ang alak sa sakit ng ulo. Gusto mo ba ibili kita?" tanong ko kay Jenny na nakanguso na sa aming lahat.

"Tangina niyo," pagmumura niya at lahat kami ay nagtawanan.

Araw ng sabado ngayon at nagkita-kita kami sa bahay ni Sofia. Sobrang dami ngang pagkain na nakahain eh. Kaya gusto namin dito laging tumambay eh, hindi kami hini-hiwalayan ng pagkain.

Si Jenny naman panay ang reklamo na masakit daw ang ulo niya pero sumama pa rin. Sayang daw ang memories na mabubuo ngayong araw. Ulol.

Samantalang, wala pa sina Elise, Gavin, Dianne, Chris at Leo. Kaya bente lang kaming nandito sa garden nina Sofia. Mayaman talaga sina Sofia, may ari ba naman ng ilang restaurant sa buong pilipinas ang magulang eh.

"Vincent nasaan ba si Tala at ng mapuntahan na namin?" nilingon ako ni Vincent at nginiwian.

"Isa pa Nena, 'yang bibig mo ang gugupitin ko, tignan mo!" pagbabanta ni Jenny habang nakaturo sa akin.

Tumawa lang ako at nagbelat sa kaniya. Maya-maya lang din ay dumating na sina Gavin at Elise ng magkasabay. Wala pa rin hanggang ngayon sina Chris, Dianne at Leo.

Tinignan ko sina Josrael, Zenon, Paul, Yuan na nakatumpok sa iisang gilid. Pare-parehas nilang pinapanuod ang paglalaro ni Zenon sa cellphone ng tong-its war.

"Chow mo, pre!" komento ni Yuan at hindi pa nakuntento dahil siya na mismo ang pumindot sa cellphone.

"Pvta. Na-tong-it na si Laura!" himutok ni Zenon saka tumayo at dinagukan si Yuan ng malakas.

Napakamot na lang ng ulo si Yuan at saka nag-peace sign kay Zenon.

"Naka two hits ang tangina," pahabol pa ni Zenon bago bumalik sa pagkakaupo at pinagpatuloy ang paglalaro.

---

"Ayos lang ba kayo dito, mga anak?" matamis na ngumiti sa amin ang Yaya ni Sofia.

"Ayos lang naman po. Pero mas maayos po siguro kung may bananacue," matamis ring ngumiti si Dino sa kaniya. Nakita kong sinamaan siya ng tingin si Sofia pero nagpatay malisya lang ang gago.

"Wag na po Nanay, bundat na nga ang tyan ng mga 'to eh" nakangusong sabi ni Sofia dahilan para ngumiti ang Yaya niya.

"Hayaan mo na. Minsan lang naman kayo tumambay dito. Saglit at magluluto ako ng bananacue," sabi niya tapos ay umalis na.

"Yes!" sigaw ni Dino at may pagsuntok pa sa hangin. Hindi niya tuloy namalayan na nalapitan na siya ni Sofia kaya hindi niya rin naiwasan ang pagbatok sa kaniya.

Halos isang oras na kaming nandito. Ang ginawa naman namin kanina ay nanuod lang ng movie. At ngayon naman ay ang episode one ng Extraordinary you.

Section Z | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon