Prologo

19.4K 536 164
                                    

Section Z List.

Boys.

1. Abadabo, Kian M.

Sa klase, siya ang laging late. May kasabihan pa nga siya na 'It's better to be late than to be very late'. Hunghang diba.

2. Adios, Iguel F.

Sa klase, siya ang medyo may utak. Matalino siya pero ginagamit sa katangahan kaya bumagsak siya dito.

3. Basdien, Vincent G.

Sa klase, siya ang papogi. Pero mukha naman siyang pwet ng kambing. Chos lang. Wala namang panget sa kaklase ko.

4. Damus, Dino M.

Sa klase, siya ang may pinakamalaking timbang. Pero hindi siya ganun kataba nagkataon lang na mataas ang timbang niya kesa sa amin.

5. Enos, Rence S.

Sa klase, siya ang may pinakamaingay na bunganga. Walang araw na hindi siya mag-iingay sa klase though lahat naman kami maingay.

6. Gozon, Leo L.

Sa klase, siya ang second to the late. Wala siyang kasabihan dahil para sa kaniya Tulog is Life.

7. Hennes, Gavin B.

Sa klase siya yung hearthrob. Pogi talaga yan, tukmol nga lang saka napag-usapan naming walang jowaan sa buong room. Incest daw dahil magkakapatid kami.

8. Likan, Josrael C.

Sa klase siya ang laging naghahanap ng pasa. Kaliwa't kanan may mag-aabang na grupo dyan. Pero dahil iisa lang kami, damay-damay na.

9. Manlangit, Zenon V.

Sa klase siyaa ang sugarol. Laman ng pasugalan sa eskinita nila tuwing hapon. Minsan nga inaya niya kaming lahat sa lugar nila. Nakakaadik pa lang magsugal no?

10. Oson, Henry R.

Sa klase siya ang laging rason kung bakit galit sa amin ang mga teachers. Hamak ba namang lagyan ng bubblugum ang screen ng laptol ng isang subject teacher namin.

11. Pines, Chris T.

Sa klase siya ang mainitin ang ulo. Konting sagi lang sa kaniyang maayos na buhok akala mo magkakaroon na ng world war III.

12. Pelaez, Paul N.

Sa klase siya yung laging tulog. Kahit nga sa periodical test tulog yan, mga 5min pa lang tapos na siyang magsagot.

13. Reyes, Adam P.

Sa klase siya yung laging pasimuno sa bawat pranks. Hindi matatapos ang isang araw na wala kaming napa-prank.

14. Sarmiento, Sean D.

Sa klase siya yung walang pangarap. Tinanong namin siya kung anong pangarap niya tapos ang isinagot niya mag-aral. Katangahan diba?!

15. Torres, Yuan Z.

Sa klase siya ang habulin ng bakla. Ewan ko ba kung bakit pero ayos lang lagi naman siya may wampipti e.




Girls.

1. Beven, Klea M.

Sa klase siya ang megaphone na bibig. Ang sarap busalan ng basahan.

2. Cheng, Dianne O.

Sa klase siya ang laging may dalang liptint at pulbo kumbaga siya ang factory namin.

3. Diaz, Vicca B.

Sa klase siya ang maldita pero wala kaming paki. Barumbado din naman kasi siya kadalasan.

4. Fernando, Elise Q.

Sa klase siya ang feeling matino. Laging kunwari president kung makasita sa pilahan.

5. Lendell, Jia H.

Sa klase siya ang tamad magsulat. Lahat naman kami tamad magsulat kaso siya talaga ang walang kasulat sulat kahit isa sa notebook niya.

6. Perez, Eyan H.

Sa klase siya ang hindi na virgin. Lahat ba naman ng lalaking lumalapit e, papatulan. Pero syempre hindi kasama doon ang kinseng tukmol. Aba incest yun sis!

7. Santos, Jennifer B.

Sa klase siya ang pinakaganda. Aba ako yan e. Ako din ang pinakamabait kaya nakakapagtaka kung bakit ako nandito?

8. Suarez, Hale N.

Sa klase siya ang go to the flow ng klase. Kahit anong gimik, werpa yan. Hindi kasi siya taong bahay e.

9. Villa, Sofia K.

Sa klase siya ang bangko de oro namin. Mayaman yan kaso nakaka-puntingina ang ugali. Buti nasanay na kami dyan.

10. Zios, Nena M.

Sa klase siya ang ligawin. Pero walang pinapatos, tanga e.








Mr. Feñoso, Gabriel Lacamacan
The adviser







~***~






Section Z | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon