*Kaguluhan 14*

2.1K 125 8
                                    

Vincent Basdien

"Hindi ba kayo napapakain sa mga bahay niyo?!" irita kong tanong sa mga kaklase kong patay gutom. Dapat ay hindi ko niyaya ang mga 'to sa bahay. Si ate kasi mapilit, miss niya na daw ang kakulitan ng mga gago. Miss? Miss? Mga mukhang pwet naman ang mga mukha.

Sarap na sarap sila sa gawang graham ni ate Vanice. Todo puri sila sa ate ko na feel na feel naman ang pagiging chef. E nurse naman siya.

"Wag kang KJ gago," natatawang sabi ni Leo habang kumukuha ulit sa tupperware ng graham.

Tiningnan ko siya ng masama at saka tinulak palayo. Napamura pa siya dahil natapon ang kaunting graham na nasandok niya. Sayang daw ang grasya, dapat hindi tinatapon. Mga gago.

"Wala pa yung iba, gahaman kang gago ka!" sabi ko. Tiningnan niya lang ako bago nagkibit balikat at tumalikod sa akin. Maya-maya lang ay lumapit sa akin si Eyan. Kaagad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Pang-ilan mo ng kuha 'to?" tanong ko kaagad bago pa siya makalapit sa lamesa. Kumunot ang noo niya bago tumawa.

"Tangina. Napakadamot mo. Nag-aya ka pa ha?" sabi niya habang natatawa. Umirap ako sa kaniya kaya lalo siyang natawa.

"Hindi ako ang nagyaya sa inyo. Si ate yun," irita kong sabi. Nakita kong napailing siya bago humakbang palapit sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Alam mo naman siguro yung naging issue sa atin no?" mahina niyang sabi. Malamang alam ko yun, kasali kaya ako sa group chat. Saka sa dami ba naman ng bibig ng tao dito ay hindi ko pa malalaman?

Pero ang tanga ko lang din kasi. Dapat naghintay na lang ako sa room para doon magtanong. Katangahan ko din kasi minsan, umaandar.

"Oo. Syempre nandun ako sa video e. Pero sabi ni ate okay na daw ang lahat," sabi ko at saka siya tumango-tango. Naglakad siya paatras at saka sumandal sa lamesa.

"Oo okay na. E ikaw? Yung sugat mo okay na?" tanong niya. Ako naman ngayon ang tumango sa kaniya. Hanggang sa lumapit  sina Vicca at Henry sa amin.

"Uy. Madala-dala naman kayo," komento ni Vicca habang ngumunguya. Talagang pinuntahan pa kami para mang-asar?

Ngumisi ako sa kaniya. "Ako si Vincent, may gusto kay Tala. Ikaw si Vicca, may gusto kay Josh. Ay! Sabi ko na barbie!" biglang nalukot ang mukha niya saka sinipa ang binti ko. Tumawa kaming tatlo habang siya naman ay nakasimangot na.

"Tangina mo! Buti nga nabugbog ka," galit niyang sabi habang masama ang tingin sa akin.

"Ano ka ba Vicca? Ayos lang namang magkagusto sa lalaking may pusong babae, atleast diba may saging," walang hiyang sabi ni Eyan at saka tumawa ng malakas.

Nakitawa rin si Henry at ako. Hindi  ko pa napigilang hindi mapawak sa tyan dahil sa pagtawa. Hanggang sa bigla na lang humapdi ang sugat sa pisnge ko. Mukhang nabanat ata dahil sa pagtawa. Napangiwi ako at hindi iyon nakaligtas sa tingin ni Vicca.

Siya naman ngayon ang ngumisi sa akin.
"Ano? Ang bilis ng karma no?" pang-aasar niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang hawak-hawak ang pisnge ko.

Bwisit.

---

"Parating daw si Gavin, may kasamang bwesita," sabi ni Jia habang nakatutok ang mata sa cellphone.

Kumunot ang noo ni Elise at Hale na siyang katabi ko sa sofa. Kakatapos lang ng mga gagong yan magmeryenda, at ngayon naman ay nanunuod kami ng pelikula ni FPJ. Yung 'Isang bala ka lang' ang pamagat.

Para kaming sardinas na siniksik sa lata. Mga bwisit ayaw pang magsi-uwi. Tapos si gagong Gavin magdadala pa ng kasama. Ako na lang kaya ang mag-adjust para sa kanila?

Section Z | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon