Chapter 2: Her Recent Agony

8 1 0
                                    

***

[Four months before the Incident]

"I need space."

"I need time for myself."

Freya was crying in the room as she was comforted by her two best friends Nikki and Kim. Tears could not fade as his long-time boyfriend Jaycee separated. He could not have imagined that at the length of their marriage, the destination would be deserted. He repeated the moments that Jaycee had said he needed space and time for himself that Freya couldn't accept.

"I need space, the thickness of his face!" Cried Nikki.

Her friend told her that it was the thickness of her face because she was still capable of sexually assaulting her while she repeatedly cheated on Freya. He told a friend that he deserved a better person for her. And that man is worthless. Nikki again reminded her of the times she had cheated on him and this fool of their friends over and over again.

"I need time for myself; I wish you had given him a huge clock." Kim suddenly shouted.

Tumayo ang kaibigan sa kama at siya pa itong mas galit na galit. Minumura itong Jaycee na hindi naman daw kagwapuhan at punong-puno pa ng kakapalan. Muli din niyang binalikan ang mga panahon sa nakaraaan na laging umiiyak ang dalaga dahil sa nag-iisang rason. Hindi mawala sa bawat pangungusap ang saling Put****ina. Nagkukulay pula na ang mukha ni Kim animo'y para bang bulkan na malapit ng sumabog. Hindi lang daw niya makita yang lalaki na yan, uupakan niya talaga.

Pagkatapos, magsabi nang kani-kanilang mga saloobin sa paghihiwalay nila ng kaibigan at ni Jhaycee ay muli nilang niyakap ang kaibigan at lalong bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata. Nagpasalamat sa mga kaibigan na dumayo pa talaga sa inuupahang apartment. Sa sobrang sakit ng kanyang mga luha ramdam ng mga kaibigan nito ang sakit at hapdi na pinagdadaanan ng kaibigan. Kaya minabuti muna nila na manatili sa kanyang apartment ng gabing 'yon.

Pinagluto ni Nikki ng Ramyeon ang dalaga na may kasamang itlog na nakita nito sa kusina ng kaibigan. Nang iaahin na ito sa dalaga para makakain sinabi niya, "alam ko wala kang sakit, pero ito lang nasa kusina mo." Biglang lumuha ang dalaga.

"Alam ko wala kang sakit, pero I prepared this for you." Sambit ni Jhaycee.

"Ang sweet naman ng boyfriend ko" sagot naman ni Freya sa kasintahan. Nang umagang 'yon ay day off ni Freya sa pinagtatrabauhan niya, isa siyang call center agent sa isang malaking call center industry. Sinorpresa niya at ipinagluto ito ng Korean noodles na kalaunan ay naging favorite food ni Freya. Sobrang saya ng dalaga sa pag-aasikasako na natatamo ng babae sa kanyang boyfriend. "What could I ask for?" Tanong ng dalaga habang nakatitig sa maamong mukha ng boyfriend. Hinalikan ni Jhaycee si Freya, pagkatapos sinabihang kumain na dahil baka lumamig pa ang noodles.

Sa mismong kwartong 'yon nangyari ang mga sandaling iniisip ni Freya, kaya napaluha ang dalaga. Wala naman kaalam-alam si Nikki sa pangyayaring yon, kaya itinabi muna ang dalang pagkain at pinuntahan sa kama ang kaibigan. Tinatanong kung bakit siya umiiyak, at kung may nagawa ba siyang mali? Nahulaan ni Kim na baka, naalala ni Freya si Jhaycee dahil sa Ramyeon. Nang mabanggit ito ng kaibigan, mas lalong lumakas ang iyak nito. "Sabi ko na nga ba e" tamang hula ni Kim. Kaya, isinauli ni Nikki ang dalang pagkain sa kusina.

Sa kwarto ay pinapatahan ni Kim ang kaibigan, at sinasabi na "iiyak mo lang yan", "kaya mo yan girl". Pinapalakas ni Kim ang loob nito. Pagbalik naman ni Nikki ay may dala itong tubig para painumin sana ang dalaga. "Oh ito, inom ka nalang muna ng tubig."

"Oh babe, inom ka muna ng tubig oh" sabi ni Jhaycee.

Kinuha niya ang baso ng tubig na dala ng binata at ininom 'yon. Yun ang mga panahon na hindi masyadong umiinom ng tubig ang dalaga, laging coffee at softdrinks. Nakakailang tasa siya ng kape dahil sa trabaho nito, na kailangan laging gising sa gabi at softdrinks naman pagdating sa bahay. Hindi daw kasi siya nabubusog sa kinakain niya hanggat di siya nakakainom ng sofdrinks. Dahilan, kung bakit nagkaroon siya ng hyperacidity. Kaya nandun ang binata para paalalahanan siya sa palagiang pag-inom ng tubig. Natuwa siya sa kasintahan dahil sa pagiging maaalalahanin nito. Nang di pa nga naubos ang tubig ay iniaabot na niya ang baso at tinitigan lang siya ng masama nito at sa isang tingin pa lang alam na ng dalaga na kailangan niya itong ubusin.

A Beautiful NOT Love Story (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon