Chapter 13: The Truth

2 0 0
                                    

***

Kakatapos lang ng fashion show nung isang lingo at tila successful naman ito. Ngayon ay muling ipinatawag ang mga talents para sa mas mahaba at mas challenging na acting worksop. Habang tinetext ang mga talents para sa kanilang acting workshop. Naghahanda naman sina Melchor at Krissy ng mga scripts, lines at situations na gagamitin para sa nasabing mga kaganapan. Lalabas kasi ang mga artista nila at makikisalamuha sa mga taong hindi nila kakilala para sa dagdag na kumpiyansa sa sarili at titignan kung papaano gagalaw sa mundo sa labas ng kanilang opisina.

Handa ang lahat, handa na ang mga talents, at silang lahat ay handa na rin. Kaya nagsimula na ang kanilang acting workshop 2.0.

***

Eksena ni Tristan:

Si Tristan ay isang lalaking na-inlove sa isang babae. Patay na patay ang babae sa kanya pero tila hindi na niya ito mahal. Nasasakal na sa babae kaya, nakikipaghiwalay na ito. Sa isang restaurant ay hihintayin niya ang kanyang kaeksena, doon ay makikipaghiwalay sa kanyang girlfriend. Kahit anong mangyari ay dapat maisakatuparan ng lalaki ang eksena. Binigyan na niya ng script na magiging gabay lang sa kanya, at baka mangailangan ng mga linya na galing sa kanya.

Pagdating sa venue, nakaupo na ang binata at naghihintay ng kanyang kaeksena, ilang sandali pa ay dumating ang babaeng kaeskena nito na tuwang-tuwa ng makita ang lalaki.

Ilang sandali pa naiapply ni Tristan ang itinuro sa kanya.

***

Pag-uwi ni Tristan ay nalilito sa mga eksenang nangyari sa kanya, kasi tila ang eksena niya kanina ay talagang totoon-totoo at walang halong acting. Parang ang mga nangyari kanina ay sobrang intense kase kahit siya mismo ay hindi makapaniwala. Magmula sa linyahan nila ng babae, at hanggang sa pagpigil nito sa kanya na umalis ay tila makatotohanan daw kaya hindi siya makapaniwala sa bigat ng eksena. Hindi man daw niya nakamayan, o nakilala man lang ang babaeng nakaeksena, pero nakakasiguro siyang napakahusay daw nito.

***

Nakauwi na ng Manila ang binata at ngayon ay gusto niyang makipagkita ito sa ikatlong pagkakataon. Kinabahan bigla si Freya sa nais ng lalaki na baka makipagkita ito pero hindi na naman niya sisiputin. Siniguro ni Tristan na siya ang mauuna sa tagpuan nila para maniwala ang babae sa binabalak nito. Dahil sa pagnanais ng babae na makita na ito ng personal ay hindi na ito nakatanggi. Naligo agad, nag-ayos at nagbihis. Napili ng lalaki na muli silang magkita sa Tagpuan Resto.

Makalipas ang halos isang oras ay dumating ang dalaga sa tagpuan, malayo palang ay nakita na niya ang lalaki na nakaupo. Tuwang tuwa ang babae dahil sa unang pagkakataon ay nasulyapan ang lalaking kanyang sinisinta. Tila mas gwapo daw ito sa personal at hindi makapaniwala na nasa harapan na niya ito. Lumapit, umupo at natulala sa lalaki. Hindi kumikibo si Tristan at hindi di naman alam ng babae kung papaano ito kakausapin.

Freya: Kamusta ka na, Tristan?

Tristan: Tapusin natin to.

Freya: Huh? Anong ibig mong sabihin?

Tristan: Ayoko na.

Nagulat ang babae sa biglang panlalamig ng lalaki sa personal. Hindi siya makapaniwala na ibang iba daw ito sa personal at sa chat. Pero hiniling ng babae na ipaliwanag sa kanya kung bakit ayaw na nitong ituloy ang kanilang papausbong palang na relasyon. Nakikiusap ang babae pero tila galit ang lalaki, nakatingin sa labas at ayaw niya itong tignan. Umiiyak na ang babae at tila wala pa rin pakialam sa kanya si Tristan. Hinawakan ang kamay nito na nasa mesa, pero tinaboy siya ng binata.

Hindi alam ni Freya kung ano ang nangyayari, nag-iisip siya ng mga dahilan kung bakit ganyan si Tristan. Pero ilang sandali pa lang ay tumayo na ang lalaki at sinabing h'wag na niya itong guguluhin pa. Nang naglalakad na ito papalayo ay hinabol siya ng babae at niyakap patalikod. Nakikiusap na huwag munang aalis at makipagusap muna sa kanya. Baka nalilito lang ang binata at kailangan nitong mapaliwanagan.

A Beautiful NOT Love Story (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon