Chapter 15: The Homophobic

2 0 0
                                    

***

Kinausap ni Sam ang kanyang ama pagkatapos nitong pumunta sa kwarto ng kapatid, sinabi niya rito na may nakita siyang papel sa ibabaw ng study tablen nito, at may mga nakasulat doon. Sinabi lahat ni Sam ang nakasulat doon, mga salitang pinagusapan nila, rason ng pag-alis ng kapatid na si Jeremy at kung anu-ano pa.

Hindi naman nabahala ang ama sa tila gustong malaman ng anak. Kaya kinagabihan ay ibinigay niya ang susi ng opisina nito sa katulong at inihalo sa mga napakaraming susi ng bahay. Panigurado, hahanapin ni Jaycee ang susi. Sinabihan din ang katulong na huwag magkakandado ng pinto dahil sa sigurado sila sa pweding gawing aksyon ni Jaycee.

Samantala, pinagpapawisan na may halong kaba, bawat patak ay kasabay ng minutong lumilipas, kaya minadali ang pabukas nito. Kalaunan, nabuksan niya ito at dali-daling isinara, naghanap ng bagay na mapapakinabangan. Naghanap sa mga drawers, nagbukas ng folders sa mesa at lahat ng pwede niyang buksan ay binuksan niya. Hanggang natabig niya ang isang folder ay may isang larawang nahulog mula dito. Sinubukang pulutin at kukunin na niya ay gulat ito at sobrang nalilito.

"Freya" sambit ng binata!

Gulat na nakita ang larawan ng dating kasintahan. Pagdampot ay tila nagagalit na ang binata, dahil iniisip na isa si Freya sa biktima ng kanyang ama. Nang binuksan ang folder, nakita niya doon ang napakaraming letrato ng mga bading, transgender at mga bisexual. Nakakacategory ito base sa sexual orientation. Tapos sa tapat ng bawat letrato ay mga lalaking nagagwapuhan, straight at tila sila ang mga talents sa talent agency ng ama.

Dali-dali niyang kinuha ang folder at lumabas ng kwarto, pero paglabas nito ay nabigla dahil naghihintay na ang ama, ate at nanay nito sa kanilang sala. Gulat, galit, nalilito, tila magkakahalo ang reaksyon ng binata sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Hawak ang folder at itinanong sa ama kung ano ang ibig sabihin nito.

"Dad, I want you to explain this! Bakit andito si Freya? Kilala niyo ba siya? Bakit nung huli ko kayong narinig ni ate, meron kayong mga biktima na sinasabi?" mga tanong na lumabas sa bibig ng binata. Gusto niyang maliwanagan, kaya pinaupo ang bata sa tabi nila upang ipaliwanag ang lahat. Ayaw man ng binata na sumunod sa ama, pero hinihingi ng sitwasyon kaya, wala siyang nagawa kundi umupo sa harapan ng ama.

[Julio Rodriguez]

I was 21 years old, I was alone. Wala akong ibang mapuntahan Patay na ang mga magulang ko at kinailangan kong tumira sa isa sa mga kamag-anak namen. Nung una napakabait nila saken, pero hindi nagtagal ay lumabas na ang mga sungay nito. Pinagbubuhatan nako ng kamay ni Tiyo Ruben, sinasabi na wala naman akong naitutulong at puro pabigat lang ang dala ko. Ganon din ang asawa niya, sinabi na nagkukulang na ang kinikita ng asawa niya para pakainin kaming lahat.

Hindi man nila sinasabi sakin ng diretso pero alam kong sinasabi nila sa pagmumukha ko na kailangan ko ng umalis, na nagiging palamunin na lang ako dun. Kaya isang gabi, umalis ako ng di nagpapaalam, nagpalaboy-laboy sa daan.

Hanggang nakilala ko si Precious, isang mayamang bading. Kinupkop niya ko, pinaaral niya ko, binihisan at binigay lahat ng gusto ko. Pinatira ako sa kanila, sobrang saya ko nung mga panahon na 'yon kase para narin akong tumaya ng lotto at biglang nanalo. Sobrang ibang-iba ang naranasan ko nun sakanya, ibang iba sa buhay ko kay Tiyo Ruben.

Pero, kalaunan ang lahat ng bagay na binigay niya ay tila may kapalit pala. Isang gabi, habang natutulog ako ay nagsimula na niya akong pagnasaan, gamitin at pinagawa ang mga bagay na hindi ko gusto. Hindi naman ako makahindi dahil alam kong malaki ang naitulong niya sa akin, parang ang katawan ko ang naging kabayaran sa mga pagkakauutang ko sa kanya. Naging madalas ang pakikipagtalik niya sa akin, hindi ko masikmura pero kailangan kong pagtiisan ang lahat.

A Beautiful NOT Love Story (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon