Chapter 1: Wanted

14 2 0
                                    

***

Isang police car ang huminto sa harap ng apartment ni Freya, bumaba ang dalawang police officers. Tinignan kung tama ang address na kanilang pinupuntahan, naglakad, lumapit sa landlady at tinanong kung siya ba ang nagbabantay ng apartment. "Opo, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga sir?" sagot naman ng landlady na ng oras na 'yon ay medyo kabado na kausap ang mga police. Itinanong ng mga hindi inaasahang panauhin kung meron ba siyang nangungupahang bababe na nag-ngangalang Freya, ipinakita ang isang letrato at tila namukhaan agad siya ng landlady.

"Meron po" sagot ng nagbabantay at tila tinulungan pa sila na puntahan ito sa kanyang apartment. Samantala, tulog pa nun ang puyat na call center agent, galing sa isang graveyard shift. Mahimbing ang tulog nito, kaya hindi alintana ang mga nangyayari. Halos mawalan na ng boses ang landlady kakasigaw ng pangalan niya at kakakatok pero tila ang babae ay hindi magising dahil sa himbing ng tulog nito.

"Call center agent kasi sir, baka tulog pa" sambit ng landlady sa mga police officers sa likod niya. "Freya, Freya, may naghahanap sayo!" sigaw ulit niya. At ng panahon 'yon ay nagising na ang dalaga dahil sa ingay, naiinis sa pagtawag sa pangalan niya, pero kailangan niyang tumayo dahil kung hindi ay tila mawawalan siya ng pinto. Pagtayo ay kinamot ang ulo, unti-unting naglakad papunta sa pinto, nang pagbukas nito ay nasilayan ang mga naghahanap sa kanya.

"Kayo po ba si Freya, Freya Macapagal?" tanong ng isang police. "Oo, ako nga po!" tugon naman ng dalaga. Sinabi agad ng police officer na iniimbatahan siya sa police station. Wala nang nagawa pero kinailangan na lang niyang sumunod sa mga police officers, pero bago yon ay hinayaan muna siyang maghilamos at magpalit ng damit

Pagbaba ay nagpasalamat ang dalawang police officers sa landlady at isinakay na nga si Freya sa loob ng kotse. Habang papunta doon ay tila wala pa rin sa sarili ang dalaga. Nakatingin lang sa kawalan at parang hindi alam ang nangyayari.

***

05:00 nag-alarm naman ang binatang si Tristan, gising na pero hindi lang agad tumayo. Hanggang sa kumatok na din ang nanay niyang si Tess para tumayo na ang binata. Naupo, tinignan ang cellphone at nagcheck ng messenger. Nang Makita na wala naman itong panibagong message ay tumayo na, iniwan ang phone sa kama at nagsimula ng maligo.

Habang naliligo siya, ang nanay naman nito ay abalang nagluluto ng kanilang almusal. Nagluluto ito ng fried rice, bacon and egg – pinakapaboritong almusal ng kanyang anak na may kasamang black coffee. Habang nagluluto ay kumakanta ang nanay nito at tila maganda ang tulog at gising, naririnig ito ng binata kahit nasa loob siya ng kwarto nito. Natutuwa sa nanay at ilang sandali pa ay kinuha ang reviewer at pumunta sa dining area. Habang hindi pa tapos ang nanay ay sinamantala na magreview muna sa paparating nilang exam.

"Kain na" sambit ng maligayang ina. Nagdasal muna ang dalawa at kumain ng sabay. Kinamusta naman ng ina ang pag-aaral ng anak at sinabi naman na mabuti naman ito. "Konting tiis na lang anak" saad ng ina sa anak na malapit ng gumradwayt. Ngumiti naman ang binata sa narinig sa kanyang ina, at saka humigop ng kape. "The best talaga ang kape mo nay" tugon ng bata sa kape na gawa ng kanyang nanay.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may kumakatok sa pintuan ng bahay nila. Nagtaka ang nanay nito kung bakit may kakatok ng ganoon kaaga. Tumayo mula sa kanyang kinakaupuan, pumunta sa pinto at binuksan ni Aling Tess at gulat siya ng Makita ang dalawang police officers sa harap niya. "Dito po ba nakatira si Tristan? Tristan Peres?" tanong ng isa sa mga police. Nang marinig ni Trsitan ang pangalan niya, ay bigla itong tumayo at sinabing "ako po yun".

"Maaari ka ba naming imbitahin sa prisinto?" tanong ng officer. Kinabahan naman ang nanay nito at nagtatanong kung ano ang nagawa ng kanyang anak bakit kailangan dalhin siya sa prisinto. Hindi naman pumalag ang bata at mahinahong sumama sa mga police officers. Ipinasok siya sa isang police car, at nagpumilit na sumama ang ina. Nagtungo nga sila sa police station.

Pagdating police station ay sabay na bumaba si Freya at si Tristan mula sa mga sasakyan na nagsundo sa kanila. Mabagal na naglakad, nakatitigan, at tila parehong nagtatanong bakit sila inimbitahang sa prisinto. Nang papalapit na sa loob ay nabigla ang dalawa dahil nasa loob na din ang mga taong kakilala nila. Nandun sina Kim, Nikkit at Jaycee naghihintay sa waiting area. Samantalang nandun din sina Sam, Melchor, Krissy at magulang ni Jaycee at nakaposas.

Pinaupo ng mga police officer ang dalawa. Tahimik ang loob ng prisinto at tila lahat ay nagpapakiramdaman sa mga nangyayari at susunod na mangyayari pa. Inilapit ng police officers ang mga suspects at tinanong, "Kilala niyo ba sila?"

Tristan: Opo!

Freya: Hindi po!

A Beautiful NOT Love Story (Complete!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon