Chapter 2

2 0 0
                                    

Lumabas muna ito ng bahay upang mamili ng groceries.

Paglabas nito ng garahe habang sakay sa bike at may dalang backpack sa likod, may biglang tumawag rito, si Aleng Melaine, kapitbahay nila

"Hyle, may bali balita na may virus na sa lugar natin. Huwag kana kaya muna lumabas ng bahay."

Nag-aalalang sabi nito, para narin kasing apo ang turing nito sa kanya.

Ngumiti si Hyle dito..

"Ayos lang Aleng Melaine, saglit lang naman po ako."

Napatango nalang ito.

"sige mag-iingat kang bata ka."

Ngumiti lang ito at nagbike na paalis.

Pagdating nito sa grocery store, ay namili ito ng mga can foods, Snacks, chocolate, milk boxes, chuckie, mga biscuit at tinapay.

Lagi itong bumibili ng ganito karami tuwing weekends. Food lover kasi siya.

Inilagay nito ang pinamili sa dalang backpack, at nagbike papuntang hospital para dalawin saglit ang mama niya.

Paliko na ito sa isang one way na kalsada ng makita niya ang nagtatakbuhang tao.

Napakunot noo si Hyle at diridritsong nagbike, nakita nito ang isang lalaki na papalapit sa kanya.

"kuya, ano  ba ang nangyayari doon? May rally po ba?"

Tanong nito sa lalaking natataranta.

"hindi, m-may halimaw doon. Tumakbo ka narin"

Nanginginig na sabi nit at tumakbo na ulit.

Bumaba ng bike si Hyle at lumapit pa doon, marami ng dumaan sa kanya habang palayo sa lugar na iyon.

Laking gulat ni Hyle ng makita ang nasa harap niya, halos hindi sya makagalaw habang nakaturo sa harap nya.

May mga taong nakahandusay sa kalsada, dinadag-anan ng tatlong tao ang isang lalaki  habang kinakain ang lamang loob niya.

May iba ding inaataki ang ibang tumatakbo.

Maya maya pa ang may narinig na putukan sa likod nya, lalong naging agresibo ang mga taong kumakain ng tao.

Dahan dahang tumakbo si Hyle habang palingon lingon sa likod, umiiyak na sya at nanghihina.

Biglang nadapa siya, dali dali syang tumayo pero nahihirapan ito dahil na bali ata ang kaliwa nyang paa, naiiyak syang gumapang papalapit sa isang kotseng nakatumba.

May nakasunod sa kanyang isang babae na puro dugo ang mukha, wala ang isang mata, at putol ang isang kamay.

Hindi sya halos makagalaw at pumikit na lamang.

"Diyos ko po, tulungan nyo po ako."

Dasal nito sa isip habang nakapikit

Papalapit na ang babae, ng biglang may sumabog na napakalakas sa malapit sa kanya, nadamay ang babae sa pagsabog.

Biglang umugong ang tainga ni Hyle at halos hindi sya makarinig dahil sa pagsabog, nahihilo syang napatingin sa harap, at maraming tumalsik na bubog sa kanya.

Unti-unting napapikit si Hyle at tuluyan ng nawalan ng malay.

APOCALYPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon