Maya maya ay nagising na si Hyle.
'panaginip lang ba yun?'
"aray"
Daing nito bigla.Malabo pa ang paningin niya, at na ramdam nya ang sakit sa kaliwa nyang paa.
Naalala nito ang nangyari kanina kaya bigla itong lumingon lingon.
Maraming nakahandusay na mga tao sa kalsada at pati narin mga sasakyan na sira dahil sa pag sabog. Walang katao tao na buhay sa kalsada.
Biglang napaiyak si Hyle sa naranasan.
Maya maya pa ay sinubukan nyang tumayo, ngunit napapadaing ito dahil sa sakit ng paa niya, pero pinilit niya parin makatayo.
Dahan dahan siyang naglakad papalayo sa lugar na iyon.
Nakarating na siya ng park at doon may mga nakita siyang mga taong naglalakad, may mga dugo ang mga katawan nito, may butas o putol sa iba't ibang parte ng katawan.
Nanginig ito sa takot, ng may nakakita sa kanyang isang lalaki sa may tabi ng puno, wasak ang kabila nitong pisngi at may kagat sa leeg.
Dahan dahan si Hyle tumakbo papalayo sa lalaki, at hinabol siya nito habang may natulong dugo sa bibig.
Masakit ang paa niya kaya hindi kabilisan ang takbo niya, papalapit na ito sa likod nya kaya nataranta na si Hyle.
Hindi parin siya tumigil sa pagtakbo habang umiiyak na.
Hihilain na sana ng lalaki si Hyle sa likod ng biglang pumasok sya sa isang public na c.r.
Kinalabog ng kinalabog ng lalaki ang pinto ng cr, at napasok nito ang isang kamay sa may gilid ng pinto kaya hindi masaraduhan ni Hyle, Itinulak niya ang pinto gamit ang buong katawan nya.
Maya maya pa ay nailabas ng lalaki ang kamay nya at nasarado ni Hyle ang pinto pero nahagip ang daliri ng lalaki kaya naputol ito sa pag sara ni Hyle ng pinto.
Nilock ni Hyle ang pinto at napaupo habang humahagogol na sa takot. May dugo ang kanyang damit dahil sa mga sugat nya sa katawan dahil sa tumalsik na bubog nung pagsabog, at magulo ang buhok niya. Paga narin ang paa nya na nabali, kaya lalong sumakit ito.
Nanginginig si Hyle na niyakap ang mga tuhod. At ng makita nya ang daliring naputol sa lalaki.
Ay napatili sya bigla rito at lumayo sa pinto.
Titig na titig sya sa pinto na kumakalabog parin.
Ng biglang may humawak sa balikat nya, laking gulat ni Hyle at gumapang palayo rito.
