Chapter 1

3 0 0
                                    

May isang babae ang nakahiga sa isang kama ng biglang magising ito sa kalabog ng pinto.

"Hyle, Gising. Gumising Ka! Bilisan mo."

Sigaw ng kumakatok sa pinto.

Napakunot noo si Hyle, saka napahilot sa sintido dahil sa hangover nito.

"Saglit lang."

Paos na sabi nito.

"Bilisan mo, buksan mo itong pinto."

Natatarantang sabi ng kumakatok at lalo pa nitong kinalampag ang pinto.

Napabuntong hininga nalamang siya at tumayo sa kama. Kakaikut pa lamang nito ng doorknob ng tinulak ng tao sa labas ang pinto.

"Oh my god!" papatayin mo ba ako sa gulat Ted?!"

Gulat na sabi ni Hyle at napairap ito rito.

"hi-hindi mo naiintindihan. Hindi mo ba alam nangyayari sa bansa. may mga ano, may ano"

Natatarantang sabi nito ang nagpabalik balik ng lakad sa harap ni Hyle.

Tinitigan ito ni Hyle at napahilot sa sintido.

"kumalma ka nga muna, Ted"

Kalmang sabi nito rito.

"paano ako kakalma, Hyle?! May masamang nangyayari sa bansa natin, may mga a-ano."

Nauutal na sabi nito habang nakahawak sa balikat ni Hyle.

LTumitig si Hyle sa mata nito saka napabuntong hininga. Hinila nito ang lalaki at pinaupo sa tabi nya.

"Kumalma ka saglit Ted, saka mo ipaliwanag ang nais mong sabihin, huwag puro "ano" okay?"

Sabi nito dito.

Napabuntong hinga ng malalim ang lalaki at pinakalma muna ang sarili.

Tumayo si Hyle at pumunta muna ng banyo para makapaglinis ng sarili.

Maya maya lumabas na ito ng banyo habang pinapatuyo ang buhok.

Tumingin ito kay Ted na mukhang napakalma na ang sarili.

" ipaliwanag mo na."

Sabi ni Hyle rito.

"Ganto kasi yun Hyle. Nabalitaan namin nila Fay at Garry na may virus na kumakalat sa bansa, hindi siya ordinaryong virus. Malalang virus, Hyle. Hindi pa namin alam ang symptoms at kung ano ang epekto nito."

Kalma nitong sabi na may halong pagkabalisa.

"Virus? Meron na ba sa lugar natin?"

Tanong ni Hyle habang natatawa ng kaunti at humiga sa kama.

"Huwag ka nga tumawa jan. Hindi biro ang nangyayari satin, at hindi biro ang virus. Ang bali balita meron na dito sa lugar natin."

Naiinis na sabi nito.

"Naku, iwan ko sayo. Masyado kang O.A. kung makagising akala mo may gyera sa labas  "

Irap na sabi ni Hyle kay Ted Napakamot ulo nalang si Ted.

Tumayo si Hyle sa kama at saka nagtanong.

"Asan sila Fay, Elaine at Garry?"

Tanong nito rito at naglakad pa labas ng kwarto.

"Si Fay ay nasa baba, si Garry naman ay umuwi muna sa kanila at si Elaine ay kanina pang nasa school at may practice daw sila ng cheerdance."

Sabi nito.

Bumaba na ang dalawa at nakita nila si Fay na nanonood ng Balita.

"Sup Hyle, tignan mo oh"

Sabi ni Fay at tinuro ang tv.

Nagbigay naman ng isang basong tubig si Ted kay Hyle.
 
Ininum ni Hyle ang tubig bago Lumingon sa tv at ipinatong sa lamesa ang baso.

"Nakakapangilabot na pangyayari ang nangyayari sa ating bansa, may kumakalat na malalang virus. Hindi lang sa bansa natin, meron narin sa dalawang bansa. Wala pa itong pangalan. Pero ang virus na ito ay mabilis kumalat, ang nasasabing epekto ng virus na ito ay ang pagbagal ng hininga, at pamumutla ng balat. hindi pa alam ng mga experto ang ibang epekto ng virus na ito, at sinusuri pa lamang. I--"

"Yan ang balita ngayon sa iba't ibang channel ng tv. Saka lang nila sinusuri ang p** na virus na iyan, at ngayon lang tayo ininform kung kailan marami na ang naapektuhan"

Inis na sabi ni Ted. At umupo sa sopa katabi ni Fay.

"Anong klaseng virus yan? Kung malala na pala bakit ngayon lang ipinaalam saatin?"

Nagtatakang sabi ni Hyle at umupo sa kabilang upuan.

Tumingon ito sa harap niya, nakita niyang pinapakalma ni Fay ang boyfriend nitong si Ted.

Napaiwas tingin nalang si Hyle dahil sa namumuong lungkot sa loob nito.

Matagal na nitong gusto si Ted, pero hindi nito sinasabi dahil ayaw nitong traydorin niya si Fay at ayaw niyang magkasira ang pagkakaybigan nila.

Pero tao lang siya at hindi niya mapipigilan ang bugso ng damdamin kaya itinago na lamang niya ito.

"tatawagan ko lang si Mama"

Sabi ni Hyle sa dalawa at tumayo na sa sopa.

Tumango lang ang dalawa rito saglit at tumingin na ulit sa tv.

Tinawagan nito ang mama niya sa cellphone ngunit walang sumasagot.

Napakunot noo nalang si Hyle at tinabi ang cellphone.

APOCALYPSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon