Chapter 1: Aya

244 3 0
                                    

Note: Pasensiya na kayo hindi ako marunong mag-nihongo kaya sa tagalog ko lang isusulat ang nangyari sa Japan. Tagalog story naman ito. Hihi. ^_^

*KEJI VILLAGE*

Si Aya at ang kanyang mga kasamahan ay nagtungo sa Keji upang humingi ng kapatawaran at bawiin ang ilan nilang kasamahan na bihag ng nasabing grupo. Hindi sinasadyang nakapasok ang mga magsasakang ito sa teritoryo ng mga Keji dahilan upang huliim ang mga ito.

Ang mga Keji ay isa sa tinaguriang pinakamaimpluwensyang grupo sa Japan. Isa sila sa mga grupong gumagawa ng ilang illegal na gawain para sa pera at kapangyarihan. Marami silang mga connection at teritoryo sa buong bansa. Gamit ang malakas na impluwensya, nagagawa nila ang kahit anong naisin nila sa kahit kanino.

Ngunit sa kabila nito ay may isang grupong kayang tapatan at higitan ang kanilang lakas at kapangyarihan, walang iba kundi ang mga Tachibana.

[Tachinbana: Aya's clan]

Sa pamumuno ni Aya, walang takot nitong pinuntahan ang teritoryo ng mga Keji upang mabawi ang kasamahan. 

Nakaharap sa isang malaking palasyo at napapaligiran ng napakaraming tauhan, taas-noong hinarap ni Aya ang pinuno ng Keji na si Hayate.

Si Aya na naka-suot ng isang magandang yukata at tila isang diyosa sa kagandahan. Ano kaya ang binabalak niya?

Kasama niya ang dalawang lalaking nagpapanggap bilang kanyang mga kapatid. Yumuko ang mga ito sa harap ng pinuno ng Keji  bilang pagpapakita ng respeto.

"Nandito kami para ibigay ang munti naming regalo sa inyo." umpisa ni Aya habang nakaluhod at iniaabot ang isang regalo sa mga Keji.

"Hahahaha." isang halakhak mula sa pinuno ng Keji na si Hayate. "Isang napagandang dilag ang dumalaw sa aking teritoryo. Ano ang iyong nais, magandang binibini? Hindi ka naman siguro magtatangkang pasukin ang teritoryo ko ng walang sapat na dahilan." 

Kinuha ng isang tauhan ang nakabalot na regalo ni Aya. Binuksan ito ng tauhan ni Hayate sa kanyang harapan at bumungad sa kanya ang isang dekalidad na klase ng katana na siyang ikinagulat ng lahat. 

"Ito ang?.." nanlalaking matang sambit ni Hayate habang tinititigan ang katanang hawak nito.

"Tama kayo. Yan ang Black Shadow mahal na pinuno ng Keji. Isa sa mga tinatagong pambansang kayamanan ng bansa. At ayon sa historya, isa sa pinakamalakas na sandata noong unang panahon na kumitil ng libo-libong buhay." sambit ni Aya.

"Ang Black Shadow na matagal ng nais mapasakamay ng aming grupo. Paano ito napunta sa isang ordinaryong nilalang na katulad mo? Hindi kaya ikaw ang?" umpisa ni Hayate ngunit pinutol ni Aya.

"Isa lang po akong ordinaryong magsasaka. Isang estraghero ang nagbigay ng katana kapalit ng isang sakong bigas. Hindi namin inaasahan na ang katana na yan ay isang mahalagang bagay." sagot ni Aya.

"Kung ganun, ano ang iyong nais na kapalit?" Hayate

"Nais kong pakawalan niyo ang aking ama at kanyang mga kasamahan. Napagalaman naming nasa kamay niyo sila dahil sa pagpasok nila sa inyong teritoryo. Ang aking ama ay walang alam sa lugar na yon. Marahil ay nakapasok lang sila ng hindi sinasadya. Nais po naming pakawalan niyo sila." pagmamakaawa ni Aya habang nakayuko sa lupa.

Binulungan ng tauhan ni Hayate ang kanilang pinuno. 

"Ahhhhh. Ang mga lapastangang nanghimasok sa aking lupain ng walang pahintulot?" Hayate.

The Hidden NINJATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon