Chapter 7: First day

238 8 7
                                    

Nika POV

***School

"We're here ^__^" sabi ko.

"Let's just walk.." she said.

As per request of my bff, bumaba kami ng limo isang kanto bago ang school at naglakad nalang papasok sa school. Mukhang ayaw niya ng flashy entrance. Hayy, akala ko pa naman makakapag-pacute ako ngayon. Yung makakapagwave ako ng hair habang bumababa ng limo.

Habang naglalakad kami sa loob ng school ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Halos lahat ng makakasalubong ko ay binabati ako at tinatanong kung sino ang babaeng kasama ko.

"Aya, mukhang pinagtitinginan tayo ng dahil sayo. Sabi ko naman kasi sayo, remove those creepy things on your face na eh!" sabi ko kay Aya.

"Hayaan mo sila. Ayaw mo ba nun, headturner tayo." simpleng sagot niya.

Headturner in a bad way though. Okay sana ang katawan ng bff ko kaso pagdating sa taas, waley na.

"OH-MY-GOSSSHHH!" sigaw ng isang babae sa hallway.

Si Carla lang pala. Oppa's ex. Sobrang obsess ng babaeng ito sa oppa ko. To tell you the truth, naging sila lang naman ng pinsan ko dahil binantaan niya na magpapakamatay siya kapag hindi naging sila. She's really crazy! Buti na lang break na sila at wala siyang panama sa Aya ko noh.

"Who is she?" tanong ni Celine na friend ni Carla.

"Hell I care. She's ugly!''  sagot naman nitong si Candy habang naglalagay ng lipgloss.

"Girls. Siya lang naman ang ipinalit sa akin ni Drei. What the hell is she doing here anyway? Gross!" Carla

Tuloy lang kami sa paglalakad sa hallway habang pinagtitinginan ng mga estudyante. Sa lakas ba naman ng boses ni Carla. Kung makapanlait wagas. Pag tingin ko kay Aya mukha namang relaks lang siya at walang epekto sa kanya ang pinagsasabi ng mga impaktang 'to.

Lumapit ang C3 sa amin at pumuwesto sa harap ni Aya.

"NO EFFIN WAY!" sabi ni Carla sa harap ni Aya.

Nakatitig lang si Aya sa kanya at nginitiian ito. Gusto kong matawa sa ngiti niya, ang panget! Parang nang-aasar. Hahaha.

  

"Paano ka nakapasok dito? Hindi ko alam na afford pala ng isang dukhang katulad mo ang pumasok sa isang exclusive at pang-mayamang school na ganito?" Carla

"Ay, scholarship. Matalino kasi ako." nakangiting sagot Aya.

"Pfft.." pagpipigil ko ng tawa.

"Look at her. She looks so cheap. Sigurado ka bang ito ang bagong girlfriend ni Jirou?" Candy

"More like creepy. What's with that mole? Eew!" Celine

"Gosh, Carla! Pumayag kang ipagpalit sa isang tulad niya?" Candy

"Shut up! Hindi ko alam na pumapatol si Drei sa muchacha." Carla

Habang nag-uusap ang tatlo ay nakatingin lang si Aya. Ano kayang iniisip niya ngayon? Galit na kaya siya? Kung ako siya, magsusumbong na ako kay oppa.

"Tapos na kayo?" tanong ni Aya.

"What?" maarteng sagot ni Carla.

"Kung wala kang ibang sasabihin, pwedeng dumaan? Nakaharang kayo." Aya

Oh no, mukhang pikon na si bestfriend! Kailangan ko na ba siyang ilayo sa C3? Balita ko kasi warfreak si Aya sa Japan. Ilang estudyante rin daw ang napapahospital niya. Afraid. Hindi ako makapaniwalang ganon na siya ngayon pero para sa akin siya pa rin ang angel na nakilala ko noon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden NINJATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon