i.

82 3 0
                                    

Iginala ko ang paningin ko sa pagkarami raming mga tao. Ginawaran ko sila ng isang matamis na ngiti bago tuluyang rumampa patungo sa harap.

I am very passionate when it comes to modeling. Bata palang ako ay ito na talaga ang gusto ko.

"Maria Alexis Realonda, 24, Tondo Manila!" wika ko kaya naman ay nagsigawan ang mga tao.

I am competing for Mr.&Ms. Face of the year dito sa Tanghalang Pasigueño.

Pang ilang beses ko na yatang pageant ito. Noon kasi katuwaan at kagustuhan ko lang kung bakit ako sumasali sa mga gantong patimpalak. Ngayon kasi ginawa ko ng hanapbuhay.

Bakit? Wala namang masama roon 'di ba? Atleast, hindi sa maduming paraan ako nagkakaroon ng pera.

Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo, third year college lang tapos huminto na ako. Bunso ako sa limang magkakapatid. Labandera ang nanay ko at ang kinakasama naman niya ngayon ay isang kargador sa divisoria.

Kaya may lahi kami.

Labrador.

Charot!

Pwera biro, may lahi talaga kami. Iba iba ang tatay naming magkakapatid. Sabi ng mga kapitbahay naming chismosa puro panganay daw kami. Espanyol ang tatay ko at mabuti namang sinusustentuhan niya pa rin ako hanggang ngayon.

Takot niya lang na mawalan siya ng unica hija, no!

Laking pasasalamat ko nang makapasok ako sa top five at tuluyang makuha ang ikaw unang pwesto.

Panalo na naman.

May pambili na akong gatas ni ZD.

"Congrats, Maris!" yakap agad ni Lester ang natanggap ko nang makabalik ako sa back stage.

"Thank you, Sis ko. Mamaya ha!" paalala ko pa sa kaniya.

He's my handler ever since sumali ako sa mga pageants. Matalik ko siyang kaibigan at magkapitbahay lang kami sa Tondo, Manila.

Lumapit ako sa iba pang kandidata para batiin sila. Ganito kasi ako after pageant. Nakaugalian ko nang bumati sa iba pang mga candidate. Ang pera lang naman ang habol ko ngayon dito dahil walang wala na talaga kami.

"Maris, punta ka sa birthday ko ha!" wika ni Tiara na madalas kong makalaban sa mga pageants.

"Kailan ba?" tanong ko.

"Bukas ng gabi. House party, you can bring Lester. Dadalo rin naman sina Ana at Candy." aniya pa at binaggit ang madalas din naming makasama sa mga pageants.

"Sige, pupunta ako." wika ko at bumalik na kay Lester.

"Oh, nakipagplastikan ka na naman kay Atchara?" tanong sa akin nito habang inaayos ang ring light niyang nasira ni ZD.

I should buy him new one, may pera naman ako ngayon.

I rolled my eyes.

Napakamaldita talaga nito.

"Tiara 'yun, Lester. Punta raw tayo sa kanila bukas dahil birthday niya. Pupunta rin sina Candy at Ana" wika ko.

"Oh, nag imbita siya? For sure iyayabang niya lang satin 'yung mga mamahaling gamit niya dahil alam niyang dukha tayong apat." aniya habang tumatawa.

Laki naman ng galit nito. Well, knowing Tiara, tama naman si Lester. Pero wala naman kaming magagawa kung ganoon siya, papakisamahan na lang namin. Kaibigan pa rin naman ang turing namin sa kanya dahil sabay sabay naman kaming lumaki sa iisang lugar. 'Yun nga lang ay sinuwerte ang gaga.

Te amo, MarisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon