Arrowland Archery
Iyon ang pangalan ng pinasukan namin dito sa isang mall.
"Wow" mangha ako nang makita ang archery hall nila.
Hindi gaanong kalakihan pero sapat na para sa mga iilang tao na naririto.
May lumapit sa kay Alonzo na isang babae at binati siya. Maganda 'yun, mas maganda pa sa akin. O' edi diyan na siya, pagbuhulin ko pa sila e.
Oh, bakit ako nagagalit ha? Hindi ko naman boyfriend 'yan.
Napairap ako sa kawalan.
"Maris, this is Julie siya ang owner nito. She's a good friend of mine" pakilala ni Alonzo sa babae.
Naglahad ito ng kamay na agad ko namang kinuha.
"Nice to meet you. Are you his girlfriend?" tanong nito.
"No" simpleng sagot ko.
"Oh, really, Alonzo? Sayang, bagay pa naman kayo" anang babae.
Bahagyang nag init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Gagi, ano 'yun?
Tumawa si Alonzo at kinuha ang bow & arrow na ibinigay ng staff. Sinuot niya ang gloves atsaka bumaling sa akin.
"You wanna try?" he asked.
Umiling ako.
"I'll watch you, pakitang gilas ka naman!" biro ko.
He smiled at pumwesto na. Inangat niya ang parehong braso. He pulled the string kasama ang arrow gamit ang kaniyang kaliwang kamay.
Kaliwete siya?
Tinatanya niya muna ang target bago niya i-release ang hawak niyang arrow.
"Bull's eye, baby!" mayabang na wika niya nang mapakawalan niya ang palaso.
"Yabang!" natatawang wika ko.
Lumapit siya sa akin at bumulong. Ang lapit niya, naaamoy ko ultimo hininga niya. Ang bango, amoy mint.
"If I hit the bull's eye thrice, we'll date" aniya at kumindat.
WHAT?
DATE?
"H'wag mo ako gawing kabit mo, may girlfriend ka" wika ko sa kaniya.
He just smirked at bumalik na sa pwesto. Ang una at pangalawang tira niya ay bull's eye. Ngunit sa pangatlo ay sumablay na siya.
"Pano ba 'yan?" tanong ko sa kaniya.
"Isa pa" aniya.
Aba, mapilit ha.
"H'wag na, Alonzo. May girlfriend ka at hindi magandang tignan kung mag date tayo" wika ko.
"Sekretarya mo lang ako" dagdag ko pa.
Matapos 'yun ay hindi na kami nag imikan hanggang sa marating namin ang condo.
Bago kami mag hiwalay ng daan ay nagpaalam na ako sa kaniya.
"Dito na ako, salamat sa ride" wika ko na tinanguan niya lang.
Problema nun? Bigla na lang nanahimik.
Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Hindi tama ang mag date kami lalo na't may girlfriend siya. Ano ako? Kabit niya? Hindi ko deserve 'yun, uy!
"Try mo dahan dahanin ang paglamon" ani Lester.
Lumabas kaming apat ngayon dahil mandatory ito. Si ZD ay naiwan sa unit ni Ana kasama ang kasambahay.
Linggo na ngayon at bukas ay may kanya kanya na naman kaming pasok.