iv.

29 3 0
                                    

"Oh, san ka galing?" tanong ko sa kakapasok lang sa pinto na si Ana.

"Wow, may instant nanay ako" sagot niya.

Sabado ng gabi ngayon at kakauwi ko lang galing trabaho. Ilang araw na rin ang tinaggal ko sa trabaho ko kaya medyo nasasanay na ako. Bukas ay linggo at wala akong pasok dahil hindi naman pumapasok si Alonzo pag linggo.

"Tita!" ani ZD at lumapit kay Ana para yumakap.

"May pasalubong ako for you!" aniya at iniangat pa ang paper bag na kanina pa niya bitbit.

"Kumusta naman ang pagiging secretary ng hot CEO na si Alonzo?" tanong sa akin ni Ana.

"Okay lang, hindi naman siya masyadong pala utos." wika ko.

Nanlaki ang mata niya sa gulat. OA din 'to si Ana.

"Seryoso ka ba diyan?" she asked.

"Muka lang akong sinungaling pero totoo ang sinasabi ko" sagot ko sa kaniya.



"Kasi I heard na 'yang si Alonzo walang tumatagal na secretary diyan kasi nga bukod sa masungit ay ang dami raw utos. " aniya.



Parang hindi naman.



"Masungit siya minsan kaso hindi talaga siya pala utos. Ako na nga minsan ang nagkukusa na magbigay ng kape sa kaniya kahit hindi niya hinihingi. Minsan pakiramdam ko parang display lang ako sa opisina niya." sagot ko.



"True ba, sis? Mabait ba siya?" tanong pa nito.


"Mabait naman siya kahit papaano. Kaso may mga oras pa rin na tutok siya sa trabaho kaya kahit kaunting pagkakamali nasisigawan niya ang empleyado niya" wika ko.



"Nasigawan ka na?"



Bakit ako sisigawan eh hindi naman ako tatanga tanga?



"Hindi, at subukan niya lang talaga na sigawan ako. Pabubulain ko bibig niya" I replied.




"Grabe, sis. Baka bet ka niyan ni Alonzo ha!" biro niya.




"Tangek, kay Tiara na 'yun. Alam mo naman 'yung si Tiara pag na aagawan akala mo asong inagawan ng buto at nababaliw" sagot ko.

"Siraulo ka talaga!" aniya at inilagay si ZD sa sofa na nasa sala.



"Oh, ano pa, kwento ka pa!" aniya.


"Nung nakaraan ay binilhan niya ako ng desk at swivel chair. Nagreklamo kasi ako sa kaniya na patanga tanga lang ako sa opisina niya. Sa couch lang ako buong maghapon, pajiya. Kaya ayon, ora mismo bumili siya ng desk pati na rin oraganizers para raw hindi ako makalat" sagot ko.


Tumili naman ang gaga ang hinampas nang bahagya ang braso ko.



"Feeling ko bet ka niya, sis!" aniya.



Bet, amputa.



"Gaga, malamang gagawin niya talaga 'yun dahil empleyado niya ako at kailangan ko 'yun" sagot ko.




"Boba, empleyado ka niya at ikaw dapat at bumibili ng mga ganon. Ano ka, anak ng duke?" ani Ana.



I sighed.



"Oh, san galing 'tong iPad? Ninakaw mo? Likot talaga ng kamay mo!" sigaw sa akin ni Ana nang mapansin ang iPad sa tapat ni ZD.


"Tanga, galing sa trabaho ko 'yan. Sabi kasi ni Alonzo masyadong old school na raw ang clipboard kaya binigay niya sa akin 'yan" sagot ko.


Te amo, MarisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon