"Sigurado ka ba rito, Ana?" tanong ko sa kaibigan ko habang nakatingin sa ibinigay niyang papel.
"Oo nga, nagtatrabaho diyan ang pinsan ko. Try mo, wala namang mawawala" aniya.
Tatlong araw kasing na-confine sa hospital si Zion noong nakaraan dahil sa lagnat niyang hindi bumababa. Kaya naman nasaid na ang perang hawak ko. Kailangan ko na talagang mag trabaho. Hindi pwedeng habambuhay na lang akong aasa sa paraket raket ko.
"Sige, susubukan ko" wika ko.
"Ito, gamitin mo 'yan. Bagay sa'yo 'yan" wika ni Ana at inilahad sa akin ang isang corporate attire.
"Pag natanggap ka at kailangan mo pa nang ganyan ay magsabi ka lang sa akin" dagdag pa niya.
I hugged her.
"Sis, balak mo na ba palitan si Kuya Will? Wala bang pa-five thousand diyan?" biro ko.
"Gago, abuso ka. Anyway, go for it na. Para kay ZD at syempre para may stable job ka na." She said
"Thank you talaga, Ana!" wika ko.
Kinabukasan maaga ako nagising para painumin si ZD ng gamot niya. At para na rin maghanda sa pag a-apply ko ngayong araw.
Suot ang corporate attire na bigay ni Ana ay taas noo akong lumabas ng bahay.
"Aba, mukang big time tayo ngayon ha!" bati sa akin ni Mang Tonio na kagabi pa yata umiinom at ngayon ay nag iinom pa rin.
I just smiled at him.
Sumakay ako ng jeep at bumaba nang marating ko ang address na nakalagay sa papel na ibinigay kahapon ni Ana.
Rioflorido Real Estates.
Iyon ang pangalan ng kompanya. Pumasok ako ron at agad akong dinaluhan ng isang babae.
"For application po?" she asked.
"Yes" tipid na sagot ko.
Sinamahan niya ako hanggang sa marating namin ang 30th floor kung saan ay merong isang mahabang pasilyo at may iilang babae ang nakapila.
They're looking for a secretary kaya naman halos mga babae kaming lahat ng nandito.
Kinakabahan ako.
Nang turn ko na ay mas lalo pa akong kinabahan. Natatae tuloy ako!
Wrong timing naman 'tong tae ko.
Pumasok ako sa glass door nang sumenyas ang babae na pwede na kong pumasok.
Nakayuko ako at pinaglalaruan ang dalawang kamay ko. Kinakabahan talaga ako parang anytime matatae ko at nakakahiya yon.
"Have a seat, Ms. Realonda." wika ng lalaki kaya naman umupo agad ako.
Nag angat ako ng tingin at ganon na lang ang gulat ko nang makita si Alonzo sa harap ko.
"IKAW?" pasigaw na wika ko.
"What are you doing here?" He asked.
"Nag a-apply, hindi ba obvious?" wika ko.
Natatae na talaga ako. Hindi ko na kayang pigilan.
"Alonzo, may banyo ka ba rito?" tanong ko.
"Meron." simpleng sagot niya.
"Kanina pa ako nadudumi dahil sa kaba. Tapos ikaw pala ang makakaharap ko rito. Pagamit muna ako ng banyo mo ha!" paalam ko at dumiretso na sa banyo niya.