CHAPTER THREE

395 22 0
                                    

GINANAP ANG AFTER-PARTY sa Crown Hotel, isa sa mga hotel na pagmamay-ari ng mga Hernandez. Pagkatapos ng fashion show ay dumiretso agad ang mga guests dito. Ayaw na sanang dumalo ni Yumika ngunit nako-konsensiya siyang iwan si Steph. At isa pa, matapos nung nagkatagpo ang mga mata nila ni Cade ay hindi na niya nakita pa ang binata. He probably felt bored and went home.

Some time during the party, Yumika felt the need to go outside to get some fresh air. Pumunta siya garden area ng hotel. May ilang mga benches doon at doon siya umupo sa puwestong hindi masyadong naaaninag ng ilaw. Napa-buntong hininga siya matapos niyang mahubad ang high heels na suot. It was killing her feet at kanina pa niya talaga balak na hubarin iyon. Feeling kasi niya magkaka-blisters na siya ng tuluyan.

Yumika looked up and stared at the night sky. Kumikislap ang mga bituin sa kalangitan. Habang nakatingala ay naalala niya bigla si Cade at ang una nilang halik sa ilalim ng buwan at milyo-milyong bituin sa langit. It happened on Steph's sweet sixteen birthday celebration...

"Cade?"

Mula sa pagtitingala sa langit ay napatingin si Cade sa kanya. Dahil medyo madilim ang kinalalagyan ng binata ay hindi niya masyadong naaaninag ang mukha nito. Kanina habang masaya ang lahat sa birthday party ay nakita niyang umalis si Cade kaya sinundan niya ito. Akala niya ay kung saan ito pumunta, sa dalampasigan lang pala. Nasa isang beach resort kasi idinaraos ang birthday party ni Steph.

"Are you following me?" Parang naiinis na tanong nito.

Walang pahintulot na tumabi siya rito. "Naisip ko lang na sundan ka dahil baka mapahamak ka."

"Bakit naman ako mapapahamak? This beach is ours. And besides, I can take care of myself."

"Nabo-bored ka na ba?"

Hindi ito sumagot. Sa halip ay malalim na bumuntong-hininga ang binata. Despite the lack of light, she stared at his side profile. He was really handsome, no doubt. Kaya ganun na lang ang atraksiyon niya rito. Lahat na lang ng kalokohan ay ginawa na niya para lang makuha ang pansin nito. Pero sobrang mailap ng binatilyong ito. Sa pagkakaalam niya ay wala pang naging girlfriend si Cade. Kaya ganun na lang ang excitement niya dahil nais niyang siya ang magiging kauna-unahang girlfriend nito. May isang problema nga lang—hindi siya nito pinapansin.

Napansin siguro nito na nakatitig siya rito kaya bigla na lang itong lumingon sa kanya. Napa-igtad siya. Buti na lang at medyo madilim dahil kung hindi ay talagang makikita nito ang pamumula ng pisngi niya.

"Bumalik ka na nga d'on. Gusto kong mapag-isa." Taboy nito sa kanya ngunit hindi siya kumilos.

"Nagugutom ka ba? Kukuha ako ng pagkain—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla itong tumayo. Hindi niya inasahan iyon at nag-panic siya nang mapagtanto niyang aalis pala ito upang iwan siya. Awtomatikong hinawakan niya ang kamay nito at hinatak pabalik. Ngunit na sobrahan yata ang paghatak niya dahil nawalan ito ng panimbang at natumba patungo sa kanya. Something collided with her head and she fell down. Nadaganan siya nito ngunit ang atensiyon niya ay wala sa bigat ng katawan nito. Kundi nasa labi nitong nakalapat mismo sa kanyang labi.

Yumika couldn't move, she only blinked. She had imagined their first kiss a million times but none of it were like this. This was unexpected, totally unexpected. She hadn't mentally prepared herself for this. Pero bago paman siya maka-react ay parang napaso na tumayo si Cade. Kumilos rin siya at umupo, sabay hawak sa mga labi niya. Ramdam rin niya ang pamumula ng pisngi niya.

"Hindi ko sinadya 'yon." Narinig niyang sabi nito na parang naiirita.

Tumingala siya sa binata. Nanghihinayang siya dahil hindi man lang niya masilayan kung namumula rin ba ang pisngi nito dahil nga walang ilaw na nakapaligid sa kanila. Sasagot na sana siya rito nang tumalikod ito at tuluyang umalis. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan nalang ito habang naglalakad palayo.

What You Mean To Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon