02

18 2 8
                                    


"Gago!" Singhal ko sa kanya.

"Sige na. Para lang mabwiset yung mga pabebe girls." Dagdag niya. Gusto kong bwisitin ang mga pabebe girls pero ayokong lokohin si Grey.

"Ayokooo." Ang sabi ko kay Cara.

"Sige na. Bagay naman kayo e. Di ba crush mo naman siya dati?" Tinignan ko siya ng masama. Naalala ko nanaman yung kumalat na crush ko siya nung Grade 7.

"Hindi nu." Pagtatanggol ko dahil hindi ko naman talaga siya naging crush non.

"Sige na." Pagpupumilit niya pa rin.

"Ayoko. Bahala ka diyan." Iniwan ko na siya doon sa likod at bumalik na ako sa upuan ko.

Bago ako umupo, kunot noo ko munang tinignan si Grey saglit. Hindi ko maimagine yung sarili ko na nagkakagusto sa kanya. Bakit naman kasi naisip ni Cara yun?

Kunot noo ring tumingin si akin si Grey. Siguro nagtataka kung bakit ko siya tinitignan. Pero umiwas din ako ng tingin at padabog na umupo sa tabi niya.

"Ven, ha." Ang sabi sa akin ni Cara nung umupo na siya sa upuan niya. Tinataas baba niya pa ang mga kilay niya na para bang sinasabi niya na 'Pumayag ka na'. Pero inisnoban ko lang siya.



Mabilis lumipas ang mga araw at isang linggo na ang nakaraan. At mas lalo kaming nabwibwiset sa mga pabebe girls dahil masyado silang pabida. Lagi kaming sinusumbong ng mga tropa ko na nambubully daw kami. Totoo naman pero exagerated sila magkunwento sa mga teacher. Nananakit daw kami kesyo ganito kesyo ganiyan. Hindi naman totoo!

Badtrip tuloy akong nakaupo sa upuan ko ngayon habang kumokopya ako ng mga notes sa notebook ni Cara dahil tinamad akong magsulat kahapon. Ako kasi yung tinuturo nilang leader daw kaya ako pinag-iinitan nila ngayon. Ako lang naman ang madalas mang-asar dahil sinasabi ni Cara.

"Grey tabi tayo!" Sigaw ng tropa ni Grey sa kanya. Isang linggo na ang nakalipas kaya hindi na big deal ang seating arrangement na yan. Pero never pa akong lumipat dahil maganda ang pwesto ko dito sa harap. Malapit naman si Cara sa akin e kaya nakakapagdaldal pa ako.

Napatingin ako saglit kay Grey para lang tignan kung lilipat ba siya o ano dahil never pa siyang lumipat ng upuan. Lumingon naman siya sa tropa niya.

"Ayoko" Sagot niya. Medyo naghiyawan ang mga tropa niya. Hindi ko nalang yun pinansin at nagsulat na ule.

"Gusto mo lang katabi si Eleven e!" Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa sinabi ng tropa niya. Napatingin ule ako kay Grey na nakatingin pa rin sa mga tropa niya saka ako napatingin kay Cara na bigla ring napatingin sa akin.

Binigyan niya ako ng ngiting nakakaasar. Hangang ngayon, kinukulit pa rin ako ni Cara na lokohin ko si Grey. Kunot noo ko lang siyang tinignan. Inisnoban ko siya saka ako nagsulat ule.

Dumating na rin yung teacher. Nagdiscuss lang siya at nagpagawa ng isang activity kaya parang mabilis lang ang oras sa kanya. Yung sumunod naman ay MAPEH.

"Okay class. Magkakaroon tayo ng reporting starting tomorrow. It's gonna be by pair at tutal namang naka-alphabetical arranged naman na kayo, yung mga katabi niyo nalang ang magiging partner niyo." Ang sabi niya. Saglit akong napatingin kay Grey.

"Abansado, Cara and Abansado Adriel. Alejandro, Eleven and Agathon, Felix Grey. Bukas na kayo magistart."

"Pota!" Napamura ako bigla nung sinabi ni Ma'am na bukas na magistart. Hindi naman ako kinakabahan pero alanganin lang kasi yung oras. Bukas na, agad agad?

Hindi Pala AkoWhere stories live. Discover now