Kahit kailan never kong kinuwistiyon ang nararamdaman sa akin ni Grey. Never akong nagexpect na magugustuhan niya rin ako. Never ako nag-assume ng kung ano ano dahil gusto ko lang naman siya. Hindi pa ganoon kalalim para mag-isip ng kung ano ano.But lately, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Alam kong gusto ko siya pero nararamdaman ko na mas lumalalim pa yung pagkagusto ko sa kanya.
Nagsimula na akong mag-assume ng mga bagay bagay. Kagaya na lamang kung gusto niya rin ba ako, kung may nararamdaman din ba siya sa akin, ganon.
Hindi ko mapigilang mag-isip lalo na at ganito kami. Hindi ako nagkulang na sabihin sa kanya na gusto ko siya. Pero wala naman siyang sinasabi tungkol doon. Nandiyan lang siya, mas lalong pinapalalim yung nararamdaman ko.
"Grey, gusto mo ba ako?" Tanong ko ule dahil hindi na siya nagsalita.
"Bakit mo naman natanong yan?" Sinagot niya ako ng tanong din.
"Wala lang. Kasi alam mo naman na gusto kita. Curios lang ako." Curios lang at naguguluhan na rin kung bakit ba kami ganito. Lagi kaming magkatawagan tuwing gabi, laging kaming magkatext. Pero sapat na ba yun para mag-assume ako?
"Akala mo ba madali lang sagutin yang tanong mo?" Sagot niya.
"Bakit naman hindi? Ayos lang kung hindi mo ako gusto. Okay lang yun sa akin." Sagot ko. Gusto ko lang na sabihin niya yung totoo. At tatanggapin ko naman yun kahit ano pa yun.
"Psh." Umirap lang siya at hindi na nagsalita. Siguro naiinis na siya. Ganiyan siya lagi. Kapag naiinis na siya, hindi na siya magsasalita.
Ako rin, naiinis na ako. Bakit hindi niya masagot ang tanong ko? Ang simple simple at pwede niyang sagutin ng simpleng 'oo' o 'hindi' pero hindi niya magawa. Mas lalo tuloy akong naguguluhan. Mas lalo tuloy akong nag-aassume.
Tama bang mag-assume ako? Tama bang umasa ako sa kanya? Tama bang kumapit ako sa kaunting pag-asang sumisilip na ako lang din ang nakakakita?
Hindi ko alam kung tama pero...nahanap ko ang sarili kong umaasa.
Umaasa sa kanya.
Umaasa sa kami.
Natapos ang gabing iyon ng magkaaway kami ni Grey. Hindi ko alam kung saan ba nagmula ang away namin, pero bigla nalang kaming naging cold sa isa't isa.
Ako ang nagsimulang maging cold, kaya parang medyo nainis din siya. Sa huli, ako lang tong nagsisi.
KINABUKASAN. Pumasok akong malungkot, magulo ang nararamdaman. Sinubukan kong kausapin si Pam nagbabakasakaling gumaan ang pakiramdam ko sa sasabihin niya.
"Sabi nga niya nainis daw siya sa'yo." Sagot ni Pam nung inkwento ko ang nangyari kagabi.
"Bakit kasi ganon? Pwede naman niyang sagutin ng hindi kung hindi naman talaga niya ako gusto. Wala namang kaso sa akin kung hindi e. Kung hindi niya ako gusto, edi titigilan ko na siya! Ganon lang kasimple yun, pero pinapakomplika niya pa." Pagsasabi ko ng sama ng loob sa kanya.
"Baka kasi hindi niya pa alam ang nararamdaman niya. Huwag mo siyang sukuan. Gusto ka non." Kaya gusto kong kausapin si Pam kasi lagi niyang sinasabi sa akin na gusto rin ako ni Grey. Naniniwala ako kasi close sila ni Grey. Pero may pagdududa pa rin naman ako kasi maski siya, hindi siya sigurado.
"Gusto ka non. Nahihiya lang yun umamin." Dagdag niya. Hindi niya alam pero mas lalo lang niyang ginagatungan ang nararamdaman ko para kay Grey. Sa mga simpleng salitang iyon, nawala bigla yung lungkot ko.