A/N: Hey guys! There maybe a part where I wrote the real names of the characters in real life instead of their made up ones. It's maybe because I'm not in the right mind when I wrote that part or it just slipped my mind, so please, just bare with me :)
Also, there's so many typos and grammatical errors especially 'ng' and 'nang'. I'm not an expert writer, just a mediocre, so please understand.
I will get back to all my mistakes later on when I got my own deligence.
I love you my friends! Don't forget to pray, vote and comment your thoughts! :)
———
Ngayon na gaganapin ang Mr. and Ms. Sci Math kaya sobrang kabado kami ni Rio. Buti nalang todo support tong mga tropa ko na gumawa pa ng banner para sa aming dalawa.
"Icheer niyo kami ha!" Ang sabi ko sa kanila.
"Lakasan niyo sigaw niyo!" Dagdag naman ni Rio.
"Oo naman! Gusto niyo hiram pa kami ng drums e." Sabi ni Cara.
Nandito kami ngayon sa backstage dahil hindi pa naman nagistart. Pero nung nagstart na, pumunta na sila sa audience area para magcheer.
Todo energy kami nung nagpakilala kaming dalawa ni Rio. Yung mga tropa ko maman todo sigaw habang winawagayway pa yung cartolina na may section namin at pangalan namin ni Rio. At habang rumarampa kami, hindi mapigilang hanapin ng mga mata ko si Grey.
Nanood kaya siya? Or chinicheer niya rin kaya ako?
Natapos na ang pageant, at olats kami! Pero nakapasok naman si Rio sa Top 5 kaya okay na rin yun.
AUGUST. Mabilis lumipas ang mga araw. Nandito ako ngayon nakikisama sa tropa ni Grey dahil naglalaro kami ng Rubix Cube. Wala kasing teacher. Nagpapaunahan kami. This time, hindi lang kaming dalawa ni Grey, kasama na mga tropa niya.
At hindi naman sa pagmamayabang, pero, laging ako ang nananalo. Nagpractice kasi ako ng nagpractice sa bahay nung bumili ako ng rubix cube. Nabibilib kaya si Grey sa akin? Psh.
"Ano bang base mo, Ven? Blue?" Ang tanong sa akin ni Rowen.
"Anong base?" Pagtatakang tanong ko dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.
"Anong una mong binubuo sa cube?" Yun ba yun? Wala pa akong alam sa mga cube term nung mga oras na yun.
"Huh? Kahit ano. Kung ano yung nakita kong magkasamang kulay, yun." Sagot ko. Bakit? Hindi ba ganon ginagawa nila?
"Kaya naman pala ang bilis mo e." Sabi naman ni Don.
"White lang sa amin." Dagdag ni Rowen. Bakit white lang?
"Kalabanin mo si Jewel sa kabilang section. Siya ang pinakamabilis dun!" Ang sabi nila.
"Ayoko." Tumayo na ako at umalis doon. Tapos na rin naman kaming maglaro. Tumabi naman na ako sa mga tropa ko na nakaupo sa likod.
"Laging tropa na ni Grey ang kasama mo a." Sabi bigla ni Cara pagkaupo ko sa tabi niya.
"Gago. Naglalaro lang kami. Selos ka naman agad." Sagot ko sa kanya.
"Ew." Tapos inisnoban pa ako. Alam ko namang suportado niya ako sa kalandian ko to! Nakisama ako sa nilalaro nilang Riff off.
Dapat paramihan ang alam na kanta at pagalingan sa pagkanta to pero nagiging paligsahan ng mga sintunado dahil sa amin. Ang saya tuloy kapag naglalaro kami.